IGINIIT ni Senate Minority Leader Alan Peter Cayetano na ang nakaambang kasong plunder laban kay Senador Rodante Marcoleta ay isang paraan ng pananakot sa mga bumabatikos sa umano’y katiwalian sa flood control projects.
Sa ambush interview noong Hunyo 30, sinabi ni Cayetano na “nonsense” ang kaso at bahagi umano ito ng panggigipit sa mga kritiko ng administrasyon.
“Lutang na lutang na ito’y may kasamang chilling effect sa lahat ng tutuligsa sa gobyerno,” ani Cayetano.
Si Marcoleta ay nakatakdang sampahan ng Office of the Ombudsman ng kasong plunder at indirect bribery kaugnay ng umano’y P75 milyong campaign donations na natanggap nito.
Ayon kay Cayetano, inililihis lamang ng administrasyon ang atensyon ng publiko sa mga legal na usapin sa halip na tutukan ang mas malawak na isyu ng umano’y katiwalian sa flood control projects at ang nalalapit na impeachment trial ni Vice President Sara Duterte.
Sa kabila nito, sinabi ni Cayetano na ipagpapatuloy ng kanilang grupo ang paglaban sa korapsyon at pagsusulong ng patas na hustisya.
“Lahat ng Pilipino ay dapat lumaban para sa hustisya at dapat labanan ang injustice,” aniya.
85 