PNP: ANTIDEPRESSANT NA INIINOM NI USEC CABRAL MAY SUICIDAL EFFECT

SINISILIP ng mga awtoridad ang posibilidad na may epekto sa pag-uugali ang iniinom na antidepressant na gamot ng dating Department of Public Works and Highways (DPWH) Undersecretary na si Ma. Catalina Cabral, ayon kay PNP Forensic Group Director Police Col. Pierre Carpio.

Ayon kay Carpio, handa ang PNP Forensic Group na magsagawa ng DNA “cross-matching,” subalit hinihintay pa ang reference sample mula sa isang kamag-anak ni Cabral upang maisagawa ang paghahambing.

Sa isang pulong-balitaan sa Camp Crame, sinabi ni Carpio na sapat na sa ngayon ang fingerprint examination upang makumpirma ang pagkakakilanlan ni Cabral. Tugma umano ito sa mga rekord niya sa National Bureau of Investigation (NBI) noong 2014.

Batay naman sa isinagawang autopsy, tinatayang pumanaw si Cabral bandang alas-3 hanggang alas-5 ng hapon noong Disyembre 18. Lumitaw sa paunang findings na ang sanhi ng pagkamatay ay blunt traumatic injuries na resulta ng pagkahulog mula sa mataas na lugar.

Patuloy pa rin ang imbestigasyon ng mga awtoridad upang mabuo ang lahat ng detalye at konteksto ng insidente.

(TOTO NABAJA)

55

Related posts

Leave a Comment