IBINUNYAG ni Davao City Rep. Paolo “Pulong” Duterte ang umano’y panggigipit sa mga mambabatas upang suportahan ang impeachment laban kay Vice President Sara Duterte.
Sa isang Facebook post, sinabi ni Rep. Duterte na may isang indibidwal na nagngangalang “Charise” ang kumokontak sa mga chief of staff ng mga kongresista at nagbabantang puputulin ang pondo ng kanilang distrito sa ilalim ng General Appropriations Act (GAA) kapag hindi sumuporta sa impeachment.
Ayon sa mambabatas, kabilang sa mga posibleng maapektuhan ang pondo para sa irrigation, paaralan, tulay, kalsada, at iba pang infrastructure projects.
Tinawag ni Rep. Duterte ang umano’y hakbang na “outright coercion” at “political blackmail,” at iginiit na hindi dapat ginagamit ang pambansang budget bilang kasangkapan sa pulitika.
Binigyang-diin niya na ang pondo ng gobyerno ay para sa mamamayan at hindi dapat gawing leverage para sa pansariling interes.
(TINA MENDOZA)
60 