2 IMPEACHMENT COMPLAINT VS VP SARA, MAY PROBABLE CAUSE—HOUSE PANEL

KINILALA ng House Committee on Justice ang pagkakaroon ng probable cause sa dalawang impeachment complaint laban kay Sara Duterte.

Sa botong 53, inaprubahan ng komite ang Saballa at Cabrera complaints sa pamumuno ni Chairperson Gerville Luistro.

Kasunod nito, ihahanda ang Committee Report at Articles of Impeachment na isusumite sa plenaryo sa pagbubukas ng sesyon ng Kamara sa Mayo 4.

Binigyang-diin ni Mamamayang Liberal Party-list Rep. Leila de Lima ang umano’y iregularidad sa P612.5 milyong confidential funds, kabilang ang mga pekeng acknowledgment receipts at testimonya ng umano’y “bagman.”

Ayon kay De Lima, may “clear constitutional breach” batay sa mga nakalap na ebidensya, kabilang ang ulat ng kahina-hinalang transaksyon.

Samantala, iginiit ni Manila Rep. Benny Abante ang mga testimonya na nag-uugnay umano sa kampanya ni Duterte sa ilegal na aktibidad at ang sinasabing banta laban sa Pangulo at iba pang opisyal.

Inaprubahan din ng komite ang consolidation ng dalawang reklamo upang maging iisang Articles of Impeachment.

Kapag nakakuha ng one-third vote sa plenaryo, iaakyat ang kaso sa Senate of the Philippines na magsisilbing impeachment court para litisin ang Bise Presidente.

(TINA MENDOZA)

60

Related posts

Leave a Comment