PRINCIPAL SUGATAN SA RIDING IN TANDEM

NUEVA ECIJA – Sugatan ang isang 49-anyos na school principal matapos pagbabarilin ng motorcycle riding in tandem suspects sa bayan ng Jaen sa lalawigang ito, noong Martes ng umaga.

Kinilala ang biktimang si Reden Daquiz, principal ng Sto. Tomas North Elementary School sa naturang bayan.

Ayon sa report, dakong alas-7:20 ng umaga, papasok sa paaralan ang biktima sakay ng SUV, nang pagbabarilin ng hindi kilalang mga suspek sa gate mismo ng eskwelahan.

Nagawa namang makababa ng biktima mula sa sasakyan at mabilis na tumakbo patungo sa compound ng paaralan.

Agad na tumakas ang mga suspek matapos ang pamamaril habang itinakbo ng mga guro sa ospital ang biktima.

Inaalam pa ng Jaen police ang motibo sa krimen at ang pagkakakilanlan ng mga suspek.

(NILOU DEL CARMEN)

382

Related posts

Leave a Comment