PUMUGANG PRESO BALIK-SELDA SA LAGUNA

LAGUNA-Balik kulungan ang presong nakatakas kamakalawa sa Laguna Provincial Jail nang matunton ito kahapon ng umaga sa Brgy. Masapang, bayan ng Victoria.

Sa report ni Laguna Provincial Police Director Col. Serafin Petalio II kay Calabarzon Police chief Brig.

Gen. Vicente Danao Jr., kinilala naibalik na sa selda si Edwin Flores, numero unong Most wanted person sa Sta. Cruz, Laguna matapos ang follow-up operation ng pulisya sa Brgy. Masapang, bandang ala -1:30 ng madaling araw kahapon.

Si Flores ay nahatulang mabilanggo sa kasong qualified rape, sexual asssault at two counts of violation of Republic Act 7610 or the law on Special Protection of Children Against Abuse.

Una itong naaresto noong Hunyo 23, 2020 ng pinagsanib na pwersa ng Provincial Highway Patrol team ngunit nakatakas sa Laguna Provincial Jail bandang alas-2 ng umaga noong Setyembre 4. (CYRILL QUILO)

69

Related posts

Leave a Comment