Sa Basilan at Surigao del Norte 47 KATAO NASAGIP SA KARAGATAN

UMABOT sa 47 katao ang nasagip sa gitna ng karagatan sa kasagsagan ng pagbuhos ng malakas na ulan dulot ng Bagyong Fabian at habagat sa magkahiwalay na rescue operation ng Philippine Navy sa Basilan at Philippine Coast Guard sa Surigao del Norte.

Ayon kay Naval Task Group-Sulu at 4th Marine Brigade Commander, Colonel Hernanie Songano, nakatanggap sila ng tawag hinggil sa kalagayan ng 18 katao na sakay ng “MB Bongarita” na sinalpok ng malalaking alon kaya agad silang nagpadala ng Navy vessel para magsagawa ng rescue mission.

Ang bangkang “MB Bongarita” ay nagmula sa Barangay Kanaway sa Parang, Sulu at papunta ng Malamawi Island sa Basilan nang makasagupa ang malalaking alon sa area ng Bakungan Island, Patikul at Tambanan Island, Luuk sa Sulu.

Dinala ang mga pasahero na may kasamang anim na bata sa Luuk Hospital at matapos na malapatan ng lunas ay isinakay sa Army Special Forces military truck at inihatid sa bayan ng Parang.

“Around 2:10 pm, we received a report that there was a boat in distress. I immediately dispatched the Multi-Purpose Assault Craft (MPAC) BA487 to proceed to the said area. Upon the arrival at the location MB Bongarita was being towed by a civilian watercraft. However, the responders cannot withstand the strong wind which made the passengers of MB Bongarita to transfer to MPAC for their safety,” ani Col. Songano.

Kaugnay nito, inihayag ni Joint Task Force Sulu Commander MGen William N. Gonzales ang pagpuri sa ginawa ng JTF’s command. “Last week we have also rescued passengers from a capsized boat using our Navy’s watercraft. For this, I commend the sailors and the marines for their sustained readiness and dedication to duty that repeatedly saved the lives of our brothers in need.”

Samantala, nasagip ng Philippine Coast Guard sa Surigao del Norte ang 26 pasahero at 3 crew ng isang tumaob na bangka nitong nakalipas na linggo.

Ayon sa imbestigasyon, bandang tanghali nang makatanggap ang Coast Guard Surigao del Norte ng impormasyon mula sa isang miyembro ng Philippine National Police (PNP) Maritime Group hinggil sa tumaob na motor banca sa may Bucas Grande Island, Socorro.

Alas-9:00 ng umaga noong Sabado nang umalis ang bangka na may sakay na 26 pasahero at 3 crew para sa isasagawang team building sa Sohoton, Socorro.

Habang bumabiyahe papunta sa destinasyon, bigla silang nakaranas ng hindi magandang kondisyon ng dagat, malalaking alon at strong current dahilan upang tumaob ang motor banca sa pagitan ng Port of Hayanggabon at Light Station sa Dahakit, Socorro.

Pagkatapos matanggap ang impormasyon, agad nagresponde ang Coast Guard Sub-Station Claver at PNP Maritime Group sa lokasyon at nagsagawa ng Search and Rescue (SAR) operation sakay sa MBCA Marian at sinundan ng MBCA Zac Greggor.

Pagdating nila sa lugar, agad inilipat sa kanilang sasakyan ang mga nasagip at dinala sa Port of Hayanggabon habang ang tumaob na motor banca kasama ang kanilang staff ay dinala sa Coast Guard Substation para sa dagdag na imbestigasyon. (JESSE KABEL)

39

Related posts

Leave a Comment