LAGUNA – Natagpuang walang buhay sa ilog sa bayan ng Sta. Cruz, ang isang guro na umano’y dumaranas ng mental and psychological complications dahil sa dami ng kanyang trabaho.
Ayon sa mga kaanak, dahil sa kalagayan ng biktimang si Kerwin Rivera Orpia, 29-anyos, palaisipan sa kanila kung aksidente itong nalunod o nagpakamatay.
Batay sa report sa pulisya ni Edwin Nequinto Orpia, ama ng biktima, nakalabas ng bahay ang kanyang anak noong Sabado ng umaga nang hindi nila namamalayan.
Nang malamang wala sa kwarto, hinanap nila ang biktima hanggang sa makita noong Lunes ang tsinelas nito sa ilog na kalapit lamang ng kanilang tirahan.
Agad nagsagawa ng rescue operation hanggang sa matagpuan sa ilalim ng ilog ang biktimang wala nang buhay. (NILOU DEL CARMEN)
158 