LAMPAS isang libo na ang bilang ng mga gumaling sa coronavirus disease 2019 sa bansa matapos makapagtala ng 48 recoveries ngayong araw.
Batay sa inilabas na case bulletin ng Department of Health (DOH), hanggang alas-4:00, ngayong Miyerkoles ng hapon, 1,023 na ang total recoveries ng nakakahawang sakit sa bansa.
May 28 namang pasyente ang pumanaw kaya pumalo na ang COVID-19 related deaths sa 558.
Mayroon namang 254 panibagong nagpositibo sa COVID-19 pandemic sa Pilipinas kaya sumampa na sa 8,212 ang bilang ng kumpirmadong kaso nito sa bansa.
Pumalo na sa 3.13 milyon ang kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa buong mundo. D. ANIN
359 