REP. ERWIN TULFO NAGPASALAMAT SA PAGKA-DISMISS NG DQ SA KANYANG KANDIDATURA SA PAGKA-SENADOR

Taos-puso namang nagpasalamat si Deputy Majority Leader Erwin Tulfo sa Poong Maykapal at sa 1st Division ng Comelec makaraang ibasura ang petisyon laban kanyang kandidatura sa Senatorial race sa darating na Mayo.

Ang pagkakadismis ng kaso kay Cong. Tulfo dahil sa hindi pagsunod ng petitioner sa mga kinakailangang rekisito ng Comelec ay patunay ng integridad ng ating halalan at ng kahalagahan ng pagsunod sa tamang proseso.

Sa isang pahinang opisyal na pahayag ni Tulfo, sinabi nito na buo ang kanyang tiwala at naninindigan sa kalayaan at pagiging patas ng Comelec.

Aniya, Ang desisyong ito ay nagpapatunay sa matibay na paninindigan ng Komisyon sa katarungan at sa pagpapanatili ng kredibilidad ng ating demokratikong institusyon.

Bilang lingkod-bayan aniya, nananatili siyang tapat sa tungkulin na maglingkod nang may integridad, katapatan, at pagsunod sa batas.

Aniya, ang desisyong ng COMELEC ay nagbibigay-daan upang lalo maituon ang kanyang oras at pagsisikap sa paglilingkod sa ating mga kababayan at sa pagsusulong ng kanilang kapakanan sa Kongreso.

“Muli, lubos akong nagpapasalamat sa COMELEC sa kanilang pagsisikap at pagiging patas sa paghawak ng kasong ito. Salamat din sa aking mga taga-suporta sa inyong patuloy na tiwala, suporta at pagmamahal sa akin” sabi pa ni Cong.Tulfo

3

Related posts

Leave a Comment