Kurdapyo ni Toto Nabaja
NAG-VIRAL sa social media ang umano’y pagkakaaresto kay Senator Ronald “Bato” dela Rosa kamakailan.
Agad naman itong itinanggi ng Department of Justice (DOJ), National Bureau of Investigation (NBI) at Philippine National Police (PNP) at nilinaw na wala silang hawak na anomang lehitimong impormasyon sa kumalat na balita.
Sa kabila nito, hindi pa rin naawat ang samu’t-saring reaksyon mula sa mga netizen, may mga natuwa at may mga nangamba, baka raw kasi isinisikreto lang at itinatago si Sen. Bato sabay biyahe sa The Hague. Aray naku! Pakak!
Nilinaw naman ni Secretary Jonvic Remulla ng Department of the Interior and Local Government (DILG) sa isang ambush interview, na wala silang “secret operations”.
Ay! Abaw ah! Malinaw ang sinabi Remulla na “transparent” sila at kung maaresto si Bato ay dadalhin nila ito sa korte at hindi sa airport. Ano mga Ka-Toto, magapati kamo?
Maging ang Philippine Air Force ay nagsabing wala silang alam sa umanoy pag-aresto at walang Sen. Ronald “Bato” dela Rosa na dinala sa Villamor Air Base, he he he, doon kasi dinala, mga Ka-Toto, si Tatay Digong.
Mga Ka-Totong Kurdapyo at Kurdapya, ano ang masasabi nyo rito, sige nga, mahalaga ang komento at opinyon n’yo. Ano sa palagay n’yo? Bato bato pick na kaya tayo.
Tinawag naman itong “diversionary tactic” ni Palace Press Officer Usec. Atty. Claire Castro, para matabunan ang tinatalakay na impeachment trial laban sa ikalawang pangulo.
Si Dela Rosa ay may standing warrant of arrest sa International Criminal Court (ICC) dahil sa war on drugs and crimes against humanity.
Malakas naman ang paniniwala ni PNP chief, PGen. Jose Melencio Nartatez Jr., na nasa bansa pa ang mambabatas.
Mino-monitor na rin ng intel agents ang mga kamag-anak at kaibigan ni Bato para makakuha ng intelligence data.
Ayon naman kay Sec. Remulla, huling namataan si Bato sa Mindanao, matapos nitong matakasan ang mga ahente ng gobyerno na aaresto sana sa kanya sa Senate Building.
Ang tanong ng mga Ka-Totong Kurdapyo at Kurdapya… diin si Bato? Ambot sa bakang biyuda…
79 