RETINA SCAM IIMBESTIGAHAN NG DICT

PAIIMBESTIGAHAN ng Department of Information and Communication Technology (DICT) ang umano’y kumakalat na scam sa “retina scan” gamit ang World App na konektado sa world coin at nanghihikayat sa mahihirap kapalit ng halagang P2,000 piso.

Sa isang Balitaan sa Tinapayan forum sa Sampaloc, Manila kahapon, mariing sinabi ni DICT Undersecretary Jeffrey Ian Dy na walang permiso mula sa kanilang tanggapan ang programang ito kaya mahigpit na pinagbabawalan at pinag-iingat ang publiko dahil sa isyu ng data privacy at fraud.

Kasunod ito ng pagkakasangkot ng isang alkalde mula sa North Luzon na nanghihikayat umano sa kanyang mga botante na magpa-retina scan kapalit ng halagang 2k.

Sinasabing delikado ang retina scan dahil ito ay illegal at walang pahintulot mula sa National Privacy Commission (NPC) at Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP).

Pinaalalahanan ng DICT ang sinomang residente na huwag hayaan gamitin ang kahirapan upang lokohin at ilagay sa panganib ang kanilang kinabukasan.

(JULIET PACOT)

19

Related posts

Leave a Comment