PINALALAKAS ng National Disaster Risk Reduction and Management Council at Office of Civil Defense ang paghahanda laban sa inaasahang epekto ng El Niño sa bansa.
Ayon sa OCD, nagsasagawa na ng tuloy-tuloy na Pre-Disaster Risk Assessment ang regional offices kasama ang mga lokal na pamahalaan at iba pang ahensya upang matiyak ang kahandaan sa posibleng matinding init at tagtuyot.
Nagbabala ang mga awtoridad sa publiko na magtipid sa tubig at kuryente, umiwas sa matagal na pagbabad sa araw, at uminom ng sapat na tubig upang maiwasan ang dehydration at heat-related illnesses.
Hinimok din ang publiko na sumunod sa mga opisyal na advisories ng Department of Science and Technology at PAGASA.
Bukod sa kalusugan, tinututukan din ng pamahalaan ang posibleng epekto ng El Niño sa agrikultura, suplay ng tubig, at fire prevention, kasabay ng inaasahang pagkatuyo ng mga sakahan at kakulangan sa tubig.
Ayon sa mga ahensya, patuloy ang koordinasyon sa pondo at paghahanda ng mga lokal na pamahalaan upang matugunan ang agarang pangangailangan sakaling lumala ang epekto ng tagtuyot.
(JESSE RUIZ)
59 