Sa operasyon kontra ilegal na yosi 13 TAUHAN NG PNP-HPG NA ‘NAKASAGUPA’ NG BOC SIBAK

fake yosi

SINIBAK sa puwesto ang hepe ng Regional Highway Patrol Group-National Capital Region (RHPG-NCR) at 12 iba pang tauhan nito matapos ang umano’y komprontasyon sa mga personnel ng Bureau of Customs (BOC) sa Bulacan.

Iniutos ni Philippine National Police-Highway Patrol Group (PNP-HPG) Director P/Brig. Gen. Rommel Batangan ang pag-relieve sa mga sangkot na personnel ng HPG-NCR.

Kasunod ito ng mga ulat ng umano’y komprontasyon ng mga tauhan ng HPG-NCR at BOC kaugnay ng pagsira o disposal ng mga nakumpiskang smuggled cigarettes sa Bulacan.

Iniutos ni Batangan ang paglilipat sa mga sangkot na personnel sa Human Resource Management and Doctrine Development Division-Personnel Holding and Accounting Section habang nagpapatuloy ang imbestigasyon.

Ang hakbang ay ginawa kasunod ng ulat ng tensiyon sa pagitan ng mga tauhan ng dalawang ahensya habang isinasagawa ang destruction ng mga nakumpiskang kontrabandong sigarilyo.

Wala pang inilalabas na pinal na resulta ng imbestigasyon hinggil sa insidente.

Patuloy na inaalam ng mga kinauukulan ang buong pangyayari at posibleng pananagutan ng mga sangkot sa umano’y komprontasyon.

(JESSE RUIZ)

68

Related posts

Leave a Comment