SALN NG AKBAYAN REFORM BLOC SA KAMARA ISINAPUBLIKO

SA gitna ng pagdududa sa mga kongresista dahil sa mga anomalya sa flood control projects, isinapubliko ng apat na miyembro ng Kamara ang kanilang Statement of Assets, Liabilities and Networth (SALN).

“At a time when trust in government is at its lowest, words are not enough,” ayon sa statement nina Akbayan party-list Reps. Chel Diokno, Perci Cendaña at Dada Kiram Ismula at Dinagat Island Rep. Arlene “Kaka” Bag-ao.

Si Diokno ay nagdeklara ng P13, 185, 829.97; P1 million kay Cendaña, P4,045,000 kay Ismula at P19,628,846.05 kay Bag-ao kung saan P4.5 million dito ay liabilities o utang.

Maliban kay Cendaña, bagong miyembro ng Kamara sina Diokno at Ismula habang nagbalik Kongreso naman si Bag-ao na isang abogado at nagsilbi ng isang termino bilang governor ng Dinagat Island.

“We, as public servants, must show through concrete action that transparency and accountability are more than promises—they are obligations,” ayon pa sa grupo kaya inilabas ng mga ito ang kanilang SALN.

Bago naging Ombudsman si Samuel Martirez ay regular na inilalabas ng Kamara ang SALN ng mga kongresista subalit bigla itong itinigil noong panahon ng dating Ombudsman na tutol sa paglalabas ng nasabing dokumento na walang pahintulot sa may-ari.

Ayon sa grupo, kailangang isapubliko ng lahat ang kanilang SALN upang maibalik ang tiwala ng publiko sa institusyon na kanilang pinagsisilbihan lalo na ngayong pinagdududahan ang lahat sa gitna ng anomalya sa flood control projects.

“We respectfully call on our fellow lawmakers — especially our colleagues in the House of Representatives — to join us in this effort. Let us take this crucial step together to rebuild the trust of our people and strengthen our democracy,” ayon pa sa grupo.

(BERNARD TAGUINOD)

107

Related posts

Leave a Comment