KINUMPIRMA ni 2026 Bar Chairperson Associate Justice Samuel Gaerlan na nagpatupad ang Korte Suprema ng ilang special considerations para sa mga examinee ng 2026 Bar Examinations.
Ayon kay Gaerlan, tatlong examinee ang nabigyan ng konsiderasyon para sa written examinations, habang apat na persons with disability (PWDs) ang pinayagang kumuha ng pagsusulit na may kaukulang assistance.
Kasama rin sa binigyan ng special consideration ang isang person deprived of liberty (PDL) na hindi na kinailangang kumuha ng pagsusulit sa loob ng detention facility.
Sa halip, pinayagan itong magtungo sa local testing center sa pamamagitan ng koordinasyon sa mga local authorities.
Samantala, 11,900 examinees ang dumalo sa unang araw ng Bar Examinations, katumbas ng 89.71% ng kabuuang 13,441 examinees.
Mas mataas pa rin ang bilang ng mga kumuha ngayong taon kumpara sa mga nakaraang taon, na itinuturing na isa sa pinakamalaking Bar Examinations na isinagawa.
(JULIET PACOT)
59 