PATULOY pa ring pinag-uusapan ang “break-up” ng magkasintahang Bea Alonzo at Gerald Anderson at ang itinurong dahilan ng paghihiwalay nila ay ang ex-girlfriend at best friend ngayon ni Joshua Garcia na si Julia Barretto.
Naging underdog si Bea lalo pa’t wala silang formal break-up ni Gerald na tumigil na lang na makipag-usap at makipagkita sa kanya.
Tinawagan umano ni Gerald si Dennis Padilla, ama ni Julia, at inamin umano ng ex-“PBB”-housemate-turned-actor na break na sila ni Bea at nililigawan niya ngayon ang anak nito sa kanyang ex-wife na si Marjorie Barretto.
Si Gretchen ay isa sa nagpaabot ng simpatiya kay Bea. Nagkatrabaho sila sa TV series na “Magkaribal” in 2010. Pinadalhan pa ni Greta si Bea ng bulaklak. Si Gretchen ay tiyahin ni Julia.
Ito bale ang second break-up nina Bea at Gerald. Una ay noong 2010 matapos ang kanilang short-lived relationship. They reconciled in 2016 nang sila’y magtambal sa pelikulang How To Be Yours.
Unang nagsuspetsa ang netizens na hiwalay na sina Bea at Gerald nang mag-post si Bea ng mga cryptic messages sa kanyang Instagram account noong July 21 at sumunod dito ay naglabasan ang mga larawan nina Gerald at Julia na magkasama umanong dumating at umalis sa ika-30th birthday party ng best friend ni Gerald na si Rayver Cruz.
Kung nagsalita na si Bea, tahimik naman sina Gerald at Julia habang to the rescue naman ang ina ni Julia na si Marjorie maging ang sister ni Julia na si Dani.
But just like any other showbiz controversy, lilipas din ito kapag may mas controversial issue ang lumutang.
Samantala, hindi rin maiwasang makalkal ang history ni Gerald sa kanyang past girlfriends. Tinuhog nito ang dating mag-best friends na sina Kim Chiu at Maja Salvador at na-link din siya kay Sarah Geronimo. Sandali rin umano silang nagkaroon ng “affair” ni Miss Universe Pia Wurtzbach nang kanilang gawin ang 2018 movie na My Perfect You.
Sa recent presscon ng upcoming TV series ng Kapamilya network na “The Killer Bride” na pagbibidahan nina Maja Salvador, Janella Salvador, Joshua Garcia at Geoff Eigenmann, tumanggi si Maja na mag-comment tungkol sa isyu dahil labas umano siya rito at dahil matagal na silang wala ng aktor.
Hindi man nagpapahalata, tila nasasaktan si Joshua for his ex-girlfriend and now his best friend na si Julia.
Napabalita rin na kaya nagkahiwalay sina Joshua at Julia ay dahil kay Gerald. Sina Gerald at Julia ay nagkatrabaho sa pelikulang Between Maybes na ipinalabas last May. After magsama nina Gerald at Julia sa movie ay kasunod na rito ang break-up nila ni Joshua at hindi nagtagal ay ang pagkakalabuan naman ng magkasintahang Gerald at Bea.
In the days to come, hindi makaiiwas sina Gerald at Julia na magsalita na rin at doon lamang siguro makaklaro ang tunay na relasyon nila – kung meron man.
239