Simula na immigration countdown ni Trump HOTLINES INILATAG PARA SA MGA PINOY SA US

(CHRISTIAN DALE)

NAGLAGAY ang Philippine Embassy sa Estados Unidos ng 24/7 hotlines para sa mga Pilipino na nandoon sa gitna ng implementasyon ni US President Donald Trump na paglansag sa illegal immigrants.

Sa isang Facebook post, sinabi ng Philippine Embassy na ang lahat ng mga Pilipino sa Estados Unidos ay mayroong karapatan anoman ang kanilang immigration status.

Sinasabing, available ang 24/7 consular hotlines sa mga ‘urgent situation.’

Ayon sa Philippine Embassy, ang consular services ay available sa lahat ng mga Pinoy, anoman ang status. Ang mga hotline ay nasa Washington DC- 202-368-2767; Agana (Guam)-671-488-4630; Chicago-312-810-3019; Honolulu-808-253-9446; Houston-346-256-4522; Los Angeles-323-528-1528; New York-917-294-0196; San Francisco-415-269-2090.

Idinagdag pa ng embahada na ang lahat ng “immigrants at migrant workers” sa Estados Unidos ay mayroong karapatan. Ang mga bisita sa Estados Unidos ay maaari ring i-enjoy ang kahalintulad na constitutional guarantees.

Ayon sa US Supreme Court, “aliens physically present in the United States, regardless of their legal status, are recognized as persons guaranteed due process of law by the Faith and Fourteenth Amendments”.

Ang mga inamyendahan aniya ay may kaugnayan sa “right to due process at against self-incrimination.”

Samantala, sinabi ni Philippine Ambassador to the United States Jose Manuel Romualdez, may 350,000 Pinoy ang ilegal na namamalagi sa Estados Unidos.

Nagsimula si Trump ng kanyang second term sa tanggapan na may serye ng anunsyo na naglalayong bawasan ang bilang ng mga migrante na pumapasok sa Estados Unidos.

Nangako si Trump na kagyat na ihihinto ang “illegal entry” at sisimulan ang proseso ng pagdedeport sa “millions and millions of criminal aliens.”

Sa naging direktiba ni Trump, tanggap ni Romualdez na ang mga undocumented Filipino sa Estados Unidos na mayroong criminal records ay maaaring nasa panganib na ma-deport.

43

Related posts

Leave a Comment