SK FEDERATION PREXY ITINUMBA SA BAHAY

LAGUNA – Patay ang Sangguniang Kabataan (SK) Federation president ng bayan ng Lumban matapos pagbabarilin ng hindi kilalang suspek sa loob mismo ng kanilang bahay sa isang subdibisyon sa naturang bayan noong Martes ng hapon.

Kinilala ng Lumban Police ang biktimang si Renzo Matienzo, 26, residente ng Barangay Maytalang 1.

Batay sa report ng pulisya, bandang alas-5:15 ng hapon nang pasukin ng suspek na nakasuot ng bonnet at face mask ang biktima sa loob ng kanyang kuwarto at malapitang pinagbabaril gamit ang kalibre .45 na baril.

Agad nalagutan ng hininga sa insidente ang biktima.

Mabilis namang tumakas ang suspek na naglakad lamang palabas ng subdibisyon.

Agad nagsagawa ng hot pursuit operation ang mga pulis subalit hindi na nakita ang suspek.

Patuloy pang iniimbestigahan ang posibleng motibo at ang pagkakakilanlan ng suspek. (NILOU DEL CARMEN)

160

Related posts

Leave a Comment