MARIING pinabulaanan ni House Speaker Martin Romualdez ang kumalat na balita sa social media na na-stroke siya.
Sa isang interview nito lamang weekend, sinabi ng lider ng Kongreso, “I feel very strong and energetic”. “As a matter of fact manonood nga kami ng sine ng pamilya ko today.”
Aniya, nakapagpahinga siya ng buong araw kaya “refresh na refresh” siya.
“Mag-ingat po tayo sa fake news at wag na magpakalat ng fake news,” dagdag pa ni Romualdez.
Payo rin niya sa mga kalaban, “Lets just work together lalo pa’t Pasko naman na ngayon”.
Ginawa ang interview kay Romualdez sa isang taping noong Sabado para sa Christmas message nito.
71