BAYANG SABUNGERO EXCITED NA SA PITMASTERS CUP SA MANILA ARENA

SABONG ON AIR Ni KA REX CAYANONG

MARAMI nang nag-aabang para sa panibagong bugso ng Pitmasters Cup 2022.

Excited na ang bayang sabungero.

Kung maaalala, naging matagumpay ang Early Bird Edition kung saan 498 entries ang lumahok.

Nakalinya naman sa mga susunod na buwan ang maraming events.

Unang aarangkada ang bakbakan sa Oktubre sa 10-Stag Derby (local band edition) na mayroong format 3-3-4 at ang venue ay sa Manila Arena.

Kung hindi ako nagkakamali, nasa P88,000 ang pot money at P55,000 naman ang minimum bet.

Tumataginting na P30 milyon ang guaranteed prize o higit pa rito.

Kaya gigil na gigil na ang bayang sabungero.

May derby schedules sa eliminations (3-stag elims) na mangyayari sa September 26, Lunes, kung saan mag-uupakan ang mga nasa Set A at susundan ito ng sagupaan, 3-stag elims, ng mga nasa Set B sa September 28 (Miyerkules).

Sa September 30 naman, Biyernes, magbabanatan ang mga taga-Set C na eliminations din nila habang ang mga nasa Set D (3-stag elims) ay magkakasubukan sa October 2, Linggo.

Asahan na natin na pagkatapos ng eliminations, may matinding aksyon na dapat abangan.

Mag-uupakan kasi sa semifinals ang mga matitirang fighters kung saan sa October 4, Martes, (3-stag semis) ay maghaharap ang mga kampeon sa Set A at winners sa Set B.

Sa October 6, Huwebes, sa 3-stag semis pa rin ay magpapatayan ang mga nasa Set C at Set D.

Ang mas inaabangan naman ay ang 4-stag grand finals sa October 8 (Sabado) na tiyak na pangmalupitan ito.

Kaya dapat ninyong tunghayan ang mga nasabing events.

Walang mawawala.

Dapat present ang lahat.

Sa mga sasali, huwag na kayong pakaang-kaang at maghanda na para dito.

I-kondisyon nang maigi ang inyong mga panabong.

Sa bayang sabungero naman, bawal ang may sakit sa puso dahil umaatikabong bakbakan ang matutunghayan n’yo rito at kung kailangan talagang magtungo sa Manila Arena ay magbaon ng maraming tubig.

At kung kayo ay may concerns o kaya’y reservations, kontakin n’yo na lang po sina Ms. Paula Mae Remetre (09638900723), Ms. Jocyl Niegas (09451491719), Ms. Shamela Najera (09663351576), at Ms. Nelia Leoncio (09150964131).

Maraming salamat at more power!

84

Related posts

Leave a Comment