JINKEE, NAKASUPORTA SA BOXING CAREER NI JIMUEL

(BETH GELENA)

VERY supportive ang mga kapatid ni Jimuel Pacquiao sa kanyang boxing career maging ang kanyang mga magulang na sina Jinkee at Senator Manny.

Present ang dalawang sister ni Jimuel na sina Queenie at Princess sa kanyang amateur fight sa abroad kasama ang ina.

Ibinahagi ng celebrity mom sa kanyang Instagram ang stunning photos nila ng dalawang anak na babae

Nag-share rin siya ng ilang larawan ni Jimuel kung saan nasa boxing ring sila ng mga anak.

Pinapanood ng mag-iina ang amateur boxing match ni Jimuel.

Kada nakatatama ng suntok si Jimuel sa kalaban ay panay ang kanilang cheer.

Nagbunyi ang mag-iina sa pagkapanalo ng bagong fighter sa pamilya.

Maging ang netizens ay nag-congratulate sa kanya.

“Wow congratulations!!! That’s so awesome!” “Congratulations Jimuel @pacquiao.emmanuel”

Sa isa pang post ni Jinkee, makikitang nasa Huntington Beach na sila ng mga anak kasama si Michael and they spent quality time.

Hindi kasama ang dalawa pang anak na lalaki sa picture — Jimuel at Israel) kaya tinag niya ang mga ito.

91

Related posts

Leave a Comment