TRAININGS SA PAMAMAGITAN NG WEBINARS, ISINAGAWA NG PORT OF SUBIC

Dahil nakalinya sa 10-Point Priority of the Commissioner for 2021 at inisyatiba ng Port’s Administrative Division, ang Port of Subic ay nagsagawa ng iba’t ibang trainings at webinars para sa kanilang mga personnel.

Una sa isinagawang pagsasanay ay ang “Training on Enhancing the Integrity of Government Records and Core Functions of Records Management”, na ipinaliwanag ni Ms. Gladys C. Cabugawan, Chief, CRMD;

Ang ika-2 ay ang “Training on Transshipment Single Administrative Documents (TSAD) ipinaliwnag naman ni Mr. Gil. K. Manlapaz, Jr., ITO I, PMDU, MISTG;

Ang panghuli ay ang training sa “5S Methodology” na tinalakay ni Ms. Margaret G. Manalaysay, Administrative Officer V, CRMD na ang layunin ay ang maintindihan ng lahat ng mga tauhan ng Port of Subic at maensayo ang mga hakbang na may kinalaman sa “Workplace Management” sa pamamagitan ng “5S”.

Ito ay para magbigay ng kahalagahan na mapanatili ang kanilang ‘work environment cleaner, safer, more organized and make our work easier, less confusion and less stressful’.

Ang pagkakaroon ng ganung pagsasanay at webinars ay inaasahan upang madag­dagan ang kaalaman ng Port’s personnel at mapataas ang kanilang kakayanan sa mga bagong teknolohiya at mga programang ipinatutupad ng Bureau.

Ito rin ay isang uri ng prog­rama na makatutulong sa isang organisasyon na masubok ang kanilang kahusayan at pagiging epektibo sa ‘new performance management system’, na kung saan ay makatutulong sa pagbuo ng HRMD na inaasahang mas malinaw ang pagganap.

Gamit ang kasalukuyang systems para masanay ang mga empleyado sa pagtugon sa pangangailangan na maabot ang goals at makatulong sa kanila sa mas malawak na kaalaman. (Boy Anacta)

159

Related posts

Leave a Comment