SENADO ‘DI ISUSUKO ANG ENDO

endor1234

(NI NOEL ABUEL) UPANG hindi masayang ang pera at oras sa inihahaing panukalang batas ng mga mambabatas ay dapat na sumulat ang Ehekutibo kung ano ang nais nitong maging batas. Ito ang panawagan ni Senate Pro- Tempore Ralph Recto kasunod ng pag-veto ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Endo Bill na ipinasa ng Kongreso. “But this time, the Executive Branch should write its own version and send it to Congress with an attached presidential certification as to its urgency,” sabi ni Recto. Mas makakabuti aniya na magpatawag ang Malacanang  ng tripartite…

Read More

LOTTO OUTLETS SINIMULAN NANG ISARA

lotto44

(NI MAC CABREROS) BILANG pagtalima sa direktiba ni Pangulong Rodrigo Duterte, sinuyod ng Eastern Police Districtang mga lotto outlets sa Lungsod ng Pasig, Marikina, Mandaluyong City at San Juan  (PaMaMariSan), ngayong Sabado ng umaga. Pinamunuan mismo ni EPD director, BGen. Nolasco Bathan, kasama si San Juan City  Police chief, Col. Ariel R. Fulo sa pagsasara sa mga lotto outlets sa 79 F. Blumentritt St., 107, N. Domingo St., Brgy. Pedro Cruz; 02 G.B Santos St., Brgy Rivera; 19-A N. Domingo St., Brgy Progreso; 146 Aurora Blvd, Brgy Balong Bato; Aurora Blvd. Brgy…

Read More

KORAPSYON SA PCSO MALALA; LOTTO, STL ITINIGIL NI DU30

DUTERTE-PCSO-2

Dahil sa malalang korapsyon sa loob ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) hindi na napigilan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagkainis at iniutos ang pagpapahinto ngayong araw ng operasyon ng Lotto at iba pang sugal sa bansa. Sinabi ni Duterte, sa isang video message, na maliban sa Lotto, ipinahihinto rin ang operasyon ng iba pang lisensiyado at may prangkisa na mga sugal, gaya ng STL, Peryahan ng Bayan at Keno. Ang Philippine National Police (PNP) at ang Armed Forces of the Philippines (AFP) ang inatasan ni Duterte upang tiyaking  maipatutupad…

Read More

DU30 NANINDIGAN SA PAG-VETO NG ENDO BILL

endo77

(NI BETH JULIAN) NANINDIGAN si Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang ipinangako na protektahan ang karapatan sa seguridad sa trabaho ng mga manggagawang Filipino at tuldukan ang lahat ng uri ng mapag-abusong gawi sa lugar ng paggawa. Ito ay kasunod ng pag-veto ng Pangulo sa Endo Bill. Binigyan-diin ng Pangulo na bagama’t sadyang dapat ipagbawal ang labor only contracting system, kailangan ding pahintulutan ang mga lehitimong job contracting basta’t sapat ang kapital ng kontraktor, may supisyenteng puhunan at kayang ibigay ang lahat ng benepisyo sa mga manggagawa sa ilalim ng labor…

Read More

PINOY LUGI SA TRAIN 2 BILL– SOLON

tax55

(NI BERNARD TAGUINOD) LUGI ang lahat ng Filipino sa ikalawang bahagi ng Tax Reform Acceleration and Inclusion (TRAIN) dahil habang patuloy na binubuwisan ang mga ito ay bibigyan naman ng tax cuts ang mga malalaking kompanya at negosyante. Ito ang pahayag ni Gabriela party-list Rep. Arlene Brosas sa press conference kaugnay ng nasabing panukala na isa sa mga nakalinyang prayoridad ng Kongreso na maipasa sa lalong madaling panahon. Ang TRAIN 2 ay tinawag na TRABAHO o Tax Reform for Attracting Better and High-Quality Opportunities subalit ayon kay House ways and…

Read More

12 PRIORITY MEASURES NI DU30 TARGET MAIPASA SA AUG.

MARTIN12

(NI ABBY MENDOZA) TARGET ng House Leadership na maipasa “in record time” ang mga priority measures ni Pangulong Rodrigo Duterte. Ayon kay House Majority Leader Martin Romualdez, 26 ang priority measures na binanggit ni Duterte sa kanyang  State-of-the-Nation Address (SONA) at ito ang prayoridad ng Kamara. “In compliance with the Speaker’s directive to hit the ground running, I met House Secretariat officials involved in the committee and plenary deliberations of bills already filed. We discussed ways on how to expedite the approval of pending legislative measures from the committee level…

Read More

PALASYO SARADO SA INT’L PROBE VS WAR ON DRUGS

ejk200

(NI BETH JULIAN) NANANATILING matigas ang Malacanang sa paninindigang hindi papayag na magsagawa ng imbestigasyon ang isang international body kaugnay sa war on drugs ng administrasyong Duterte. Ayon kay Presidential spokesperson Salvador Panelo, kahit pa lumalabas sa isang survey na taliwas ang kanilang posisyon sa pananaw ng mayorya ng mga Pilipino ay sarado pa rin sa imbestigasyon ang administrasyon. Matatandaang base sa pinakahuling survey ng Social Weather Stations (SWS), lumitaw na 60 percent o anim sa 10 Filipino ang naniniwalang hindi dapat pinipigilan ng gobyerno ang imbestigasyon ng isang international…

Read More

DEATH PENALTY TIWALA NA MAILULUSOT

duterte123

(NI BETH JULIAN) KUMPIYANSA ang Malacanang na lulusot sa ilalim ng administrasyong Duterte ang pagpapabalik sa parusang bitay o death penalty. Sinabi ni Presidential spokesperson Salvador Panelo, positibo ang pananaw ni Pangulong Rodrigo Duterte na kakayaning maihabol sa nalalabing tatlong taon niya sa puwesto ang nasabing panukala. Nais ng Pangulo na maisalang sa capital punishment ang mga indibidwal na ayaw paawat sa operasyon ng iligal na droga at ang taong panay ang pagkamkam ng kaban ng bayan. Katwiran ng Pangulo, matindi pa rin ang problema ng bansa sa iligal na…

Read More

DU30 ‘DI PAPAYAG; LANGIS SA WPS ‘DI MASOSOLO NG CHINA

(NI BETH JULIAN) HINDING-hindi papayag si Pangulong Rodrigo Duterte na masolo lamang ng China ang langis sa West Philippine Sea (WPS). Iginiit ng Pangulo na kapag  sinimulang halukayin ng China ang langis sa WPS ay muli  niyang igigiit na pag-aari ng Pilipinas ang naturang lugar. Pero nilinaw naman ng Pangulo na bukas siya sa ‘all aiding’ pero kailangan magkaroon ng 60-40 sharing pabor sa Pilipinas. Katwiran ng Pangulo, wala rin namang kapital ang bansa para makapag-invest sa pagmimina ng langis sa WPS maliban pa sa walang teknolohiyang taglay ang Pilipinas…

Read More