LUBID O LETHAL INJECTION?

deth penalty55

(NI BETH JULIAN) LUBID o ineksiyon. Ito ang dalawang klaseng paraan na nais ni Pangulong Rodrigo  Duterte para sa mga mahahatulan ng parusang bitay. Kung ang Pangulo ang tatanungin, bitay sa pamamagitan ng bigti o paggamit ng lubid para makatipid o kaya ay injection ang maaari nitong pagpilian para sa pagpapatuad ng capital punishment. Sinabi ni Presidential spokesperson Salvador Panelo, ang dalawang nabanggit ang naging maagap ba tugon ng Pangulo nang tanungin ito tungkol sa parusang bitay. Naniniwala si Panelo na sa tono ng salita ng Pangulo sa kanyang SONA…

Read More

DU30 ‘DI SUMUSUKO SA PEDERALISMO

duterte12

(NI BETH JULIAN) NAIS lamang muna plantsahin ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagkakaiba ng mga stakeholders hinggil sa usapin ng Charter Change bago ito muling ungkatin o talakayin. Ito ang pagbibigay-linaw ng Malacanang kasunod na rin ng pahayag ni Duterte sa kanyang SONA na hindi iyon ang tamang panahon para pag-usapan ang Charter Change. Gayundin ay binanggit ng Pangulo na hindi siya naniniwalang kayang maisulong ang Pederalismo sa natitira pang panahon ng kanyang termino. Sinabi ni Presidential Spokesperson Salvador Panelo na kung tutuusin ay matagal nang tinatalakay ang isyu na…

Read More

RECTO: 15-M PINOY GUTOM HANGGANG 2022

recto33

(NI NOEL ABUEL) SA kabila ng pagsasaayos ni Pangulong Rodrigo Duterte na maiahon sa kagutuman ang maraming mahihirap na Filipino ay hindi pa rin ito matutupad hanggang sa pagtatapos ng kanyang termino. Ito ang sinabi ni Senate Pro-Tempore Ralph Recto kung saan pagsapit umano ng 2022 ay aabot na sa 15 milyong Filipino ang masasadlak sa kahirapan. “Of all the challenges the President had laid out, the hardest is the liberation of 6 million of our countrymen from poverty. This is the Six Million Challenge that confronts us all. It…

Read More

KAPALARAN NG ABS-CBN NASA KAMAY NG KAMARA

(NI BETH JULIAN) NASA kamay ng Kongreso ang kapalaran ng ABS CBN. Ito ang pagtiyak ng Malacanang kasunod ng nakatakdang pag-eexpire ng prangkisa nito sa March 20, 2020. Ayon kay Presidential Communications Operations Office (PCOO) Secretary Martin Andanar, hindi haharangin o ibi-veto ni Pangulong Rodrigo Duterte ang franchise renewal ng ABS-CBN kapag nakalusot na sa Kongreso ang panukalang batas. Una rito, binabatikos ni Duterte ang ABS-CBN dahil sa hindi patas na pagbabalita at hindi pag-eere ng kanyang political advertisement noong 2016 presidential elections kahit bayad na. “Never ko pa narinig…

Read More

KOMPORTABLENG BUHAY NG PINOY HANGAD SA NALALABING TERMINO

duterte88

(NI BETHJULIAN) SA nalalabing tatlong taon sa kanyang termino, wala umanong ibang hiling at pangako si Pangulong Rodrigo Duterte kundi ang mabigyan ng maganda at komportableng buhay ang bawat Filipino. Kasabay ito ng pag-atas ni  Duterte, sa kanyang State of the Nation Address (SONA) ang Local Governnent Units, sa pamamagitan ng DILG, na magpatupad ng mga hakbang para ibayong mabigyan ng proteksyon ang kalikasan o kapaligiran saan inihalimbawa ng Pangulo ang nangyari sa Boracay. Ipinangangako naman ng Pangulo sa kanyang Build Build Build Project  na walang mangyayaring corruption sa mga…

Read More

‘WPS IS OURS PERO…’

west12

(NI BERNARD TAGUINOD) NILINAW ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang State of the Nation Address (SONA) na pag-aari ng Pilipinas ang West Philippine Sea taliwas sa paniniwala ng marami na isinuko na niya ito sa China. “West Philippine  Sea… It is ours… But we have to temperate with the times and with the realities we face today,” ani Duterte. Gayunpaman, bagama’t pag-aari aniya ng Pilipinas ang nasabing teritoryo ay nasa posesyon ito ng China na nangyari umano dahil sa kapabayaan ng nakaraang administrasyon. Nabatid na inabandona umano ni dating Foreign Affairs…

Read More

DUTERTE NAKI-JAMMING SA PHILHARMONIC ORCHESTRA

jamming44

(NI ABBY MENDOZA) MATAPOS ang kanyang mahigit isa at kalahating oras na speech at paglabas sa House Plenary ay saglit na naki-jamming kanina si Pangulong Rodrigo Duterte sa Philharmonic Orchestra kung saan personal pa niya itong inimbitahan sa isang fellowship. Nakahimpil ang orchestra sa labas lamang ng Plenary Hall at nang lumabas ang Pangulo ay dumiretso ito sa kanilang kinaroroonan at kumanta ito ng ilang bahagi ng kantang Ikaw at Moonriver. Matapos ang jamming ay inimbitahan ng Pangulo ang grupo para sa isang fellowship. Maaari umano na habang sila ay…

Read More

TATAPUSIN KO ANG TERMINO KO NA LUMALABAN – DU30

NANGAKO si Pangulong Rodrigo Duterte na tatapusin niya ang kanyang termino na lumalaban sa illegal drugs sa harap ng kritisismong natatanggap sa buong mundo, sa kanyang ikaapat na State of the Nation Address (SONA). “Tatlong taon na ang nakalilipas mula nang manumpa ako sa tungkulin at nakalulungkot na masabing hindi na tayo natuto. Nagpapatuloy ang problema sa droga at korapsiyon,” sabi ng Pangulo sa ginanap na joint session ng Kongreso. Ipinagmalaki din ng Pangulo ang bilyun-bilyong halaga ng cocaine gayundin ang pagbuwag sa malalaking sindikato ng droga, kasama ang mga…

Read More

#GOODBYEGUTOM

(NI BETH JULIAN) GOODBYE gutom. Ito ang prioridad ng administrasyong Duterte sa huling tatlong taon nito sa panunungkulan. Ayon kay Cabinet Secretary Karlo Nograles, iba’t ibang mga ahensya ang magtutulungan upang supilin ang kagutuman sa bansa sa taong 2030. Nakaumang na sa ngayon ang #GoodbyeGutom sa binabalangkas na Expanded Partnership against Hunger and Poverty (EPAHP) ng pamahalaan. Bagaman ayon kay Nograles,  ramdam na ang epekto ng mga programa upang ibsan ang pananalasa ng gutom sa buong bansa, pinagtitibay ng pinakahuling mga datos na “kailangan pang mas lalong paigtingin ang kasalukuyang…

Read More