CAYETANO TIYAK NANG HOUSE SPEAKER

cayetano12

(NI ABBY MENDOZA) WALA nang inaasahang  pasabog sa pagbubukas ng sesyon ng Kamara. Ito ang tiniyak ni  Albay Rep Joey Salceda kung saan inamin nito na plantsado na ang lahat matapos ang kanilang pagpupulong. Batay umano sa napagkasunduan ay si Cayetano ang iboboto ng mambabatas alinsunud sa  pag-eendorso ni Pangulong Rodrigo Duterte. Sinabi ni Salceda na sina Leyte Rep. Martin Romualdez, Marinduque Rep. Lord Allan Jay Velasco at Davao Rep. Paolo Duterte ang magno-nominate kay Cayetano bilang Speaker. Inamin ni Salceda na nakarating sa kanila ang mensahe ng Pangulong Duterte…

Read More

ADLIB NI DU30 LILIMITAHAN SA SONA SPEECH

duterte12

(NI BETH JULIAN) LILIMITAHAN ang mga adlib ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang State of the Nation Address ngayong araw. Ito ang pagtitiyak ni Presidential Spokesperson Salvador Panelo kaya inaasahang aabot lamang ng 45 minuto ang talumpati ng Pangulo sa kanyang ikaapat na SONA. Nakapokus ang talumpati ng Pangulo sa kanyang mga ipinangako noong kampanya gaya ng paglaban sa ilegal na droga at korupsiyon at ang mga plano para sa susunod na huling tatlong taon pang panunungkulan. Babanggitin din sa SONA ang ilang kontrobersyal na isyu gaya ng WPS at…

Read More

LAGAY NG MAGSASAKA HINIHINTAY SA SONA

farmers55

(NI BERNARD TAGUINOD/PHOTO BY RAFAEL TABOY) HINDI lang ang mga magsasaka ang lugi sa Rice Tariffication Law kundi ang mga consumers dahil ang pangakong bababa ng P7 ang bawat kilo  ng bigas lalo na ang commercial rice ay hindi natupad. Ito ang nabatid kay dating Anakpawis party-list Rep. Ariel Casilao kaya nanawagan kay Pangulong Rodrigo Duterte na huwag kaligtaan ang mga magsasaka sa kanyang State of the Nation Address (SONA), bukas ng hapon. Ayon kay Casilao, bagama’t bumaha na ng imported ng bigas sa bansa dahil sa Republic Act (RA) 11203, P1…

Read More

P1M PABUYA ALOK NI DUTERTE VS 4 POLICE KILLERS

cops55

(NI BETH JULIAN) NAGLABAS ng P1 milyong pabuya si Pangulong Rodrigo Duterte  sa sinumang makahuhuli sa mga mastermind, perpetrators, at main shooters sa apat na pulis sa Negros Oriental. Ito ang inihayag ng Pangulo nang personal niyang puntahan at makiramay sa naulilang pamilya ng apat na pulis na nasawi matapos tambangan ng mga hinihinalang miyembro ng rebeldeng New People’s Army (NPA) sa Barangay Mabato, Ayungon, Negros Oriental noong Huwebes. Sa command conference na isinagawa na pinangunahan ni Duterte, kasama ang Armed Forces of the Philippines at Philippine National Police, napag-usapan…

Read More

4th SONA NI DU30 TUTUMBOK SA HULING 3 TAON NG TERMINO

duterte32

(NI BETH JULIAN) TUTUMBUKIN ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang ikaapat na State of the Nation Address (SONA)  ang mga plano nito para sa bansa at sa mamamayang Filipino sa huling tatlong taon niyang termino. Kaya paalala ni Presidential Communications Operations Office Secretary Martin Andanar sa Sambayanan na pakinggan ang SONA ng Pangulo ngayong Lunes dahil napakahalaga ito. “It is very important for every Filipino not only the 85% of the Filipinos who trusts the President; not only the 80% who are satisfied with the performance of the President, but…

Read More

ALITAN SA 1ST FAMILY ITINANGGI NG PALASYO

dutertekids33

(NI BETH JULIAN) PINABULAANAN ng Malacanang na may namumuong alitan sa First Family kasunod ng mga ulat na tiyak na iisnabin ng ilang anak ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kanyang SONA sa Lunes. Ayon kay Presidential Communications Operations Office (PCOO) Secretary Martin Andanar, nag abiso na si Davao City Vice Mayor Baste Duterte na hindi makadadalo sa SONA dahil abala ito sa mga usapin ng lungsod lalo na’t naka medical leave si Davao City Mayor Sara Duterte Carpio. Gayunman, hindi naman masabi ni Andanar kung dadalo o hindi si Congressman…

Read More

NO FLY ZONE SA SONA

fly33

(NI DAVE MEDINA) DEKLARADONG no fly zone ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) ang ibabaw at paligid ng  House of Representatives (HREP) sa Batasan Complex at mga kalapit na lugar upang matiyak ang kaligtasan at seguridad sa pagbubukas ng 18th Congress at ang  4th State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Rodrigo Duterte, sa mga araw ng July 20 hanggang 23, 2019. Mula alas- 9:00 ng umaga ng July 20 hanggang alas-11:00 ng umaga ng July 21, ang mga  drones at ibang uri ng  aircraft ay limitado ang…

Read More

USAPING SIKMURA GUSTONG MARINIG NG PINOY SA SONA

(NI BERNARD TAGUINOD) KUNG mayroong gustong marinig ng mga Filipino sa ikaapat na State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Lunes, Hulyo 22, ito ay ang mga usaping may kinalaman sa sikmura. Dahil dito, sinabi ni Bayan Muna party-list Rep. Ferdinand Gaite na ito ang dapat tutukan ni Duterte sa kanyang SONA at pakinggan ang hinaing ng taumbayan na tatlong taon nang naghihintay na tuparin ng Pangulo ang kanyang pangako. “Muli, malinaw na ang mga isyung malapit sa sikmura ang gustong marinig at masolusyunan ng mamamayan…

Read More

BATAS NA TUTULONG SA NEGOSYO PIRMADO NA

duterte signing22

(NI BETH JULIAN) PIRMADO na ni Pangulong Rodrigo  Duterte ang batas na susuporta sa mga negosyo. Sa ilalim ng Republic Act No. 11337, bibigyan na ng subsidy at ayuda ang mga magtatayo ng negosyo. Kasama na rito ang gastos sa registration at pagkuha ng business permit. Kung wala pang pasilidad o puwesto ng itatayong negosyo ay maaari rin itong sagutin ng gobyerno. Ang nasabing batas ay malaking tulong sa mga negosyanteng nagnanais na magpatuloy ang kanilang negosyo lalo na ang mga mahihirap. 302

Read More