WALANG KUDETA — AFP

kudeta12

(NI JG TUMBADO) TINIYAK ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na walang mangyayaring kudeta laban sa administrasyong Duterte. Ito ang inihayag ni AFP public affairs office chief Colonel Noel Detoyato at sinabing walang dahilan para gawin ito ng militar at ang tanging layunin nila ay pagserbisyuhan ang sambayanan. Ani Detoyato, propesyonal ang mga sundalo at nakasentro sa kanilang misyon. Masaya din aniya ang mga sundalo sa modernization program sa AFP na 100 porsyentong suportado ng gobyerno. Katunayan ayon kay Detoyato napakalaking bagay ng taas-sweldo sa mga sundalo at ibabalik…

Read More

RESIGNATION NI ARANAS TINANGGAP NI DU30

aranas12

(NI BETH JULIAN) TINANGGAP na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagbibitiw sa puwesto ni GSIS President at General Manager Jesus Clint Aranas. Ito ang kinumpirma ni Executive Secretary Salvador Medialdea ngayong Miyerkoles.  Kamakalawa ng hapon nang maisumite na sa tanggapan ng Office of the President ang pagbibitiw sa puwesto ni Aranas. Wala naman ibinigay na dahilan ang Palasyo sa pagbibitiw ni Aranas at tinanggap na ito ng Pangulo. Sa kasalukuyan ay wala pang ibinibigay na pangalan ang Malacanang kung sino ang papalit kay Aranas. Base sa liham ng pagbibitiw ni…

Read More

SONA NI PDIGONG BINABALANGKAS NA

duterte14

(NI BETH JULIAN) SINISIMULAN nang balangkasin ang magiging State of the Nation Address  ni Pangulong Rodrigo Duterte. Ayon kay Cabinet Secretary Karlo Alexi Nograles na nagsusumite na sila ng kani-kanilang output sa Office of the President. Sinabi ni Nograles na ito ang gagawing basehan ng OP para hindi na maulit ng Pangulo sa kanyang ulat sa bayan ang mga inilalahad na ng Cabinet Secretary sa isinasagawa na ngayong pre-SONA activities. Ayon kay Nograles, inaasahang tututok ang SONA ni Pangulong Duterte sa mga polisiya ng pamahalaan at mga programang kailangang ipagpatuloy…

Read More

MAGHAHAIN NG IMPEACHMENT ‘DI AARESTUHIN – PANELO

panelo32

(NI BETH JULIAN) HINDI aarestuhin ang sinumang maghahain ng kasong impeachment laban kay Pangulong Rodrigo Duterte dahil hindi naman ito maituturing na krimen. Ito ang inihayag ni Presidential spokesperson Salvador Panelo sa kabila ng naunang pahayag ng Pangulo na ipakukulong niya ang mga magsasampa ng impeachment laban sa kanya. Ayon pa kay Panelo, hindi naman literal ang sinabi ng Pangulo at nasabi lamang ito bunsod ng matinding pagkainis sa kanyang mga kritiko na hindi nakauunawa sa posisyon ng gobyerno pagdating sa usapin ng China. Sinabi pa ni Panelo na hindi…

Read More

DU30 SA PAF: MALAMPAYA ATIN, INGATAN NATIN

(NI BETH JULIAN) PINAALALAHANAN ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pamunuan ng Philippine Air Force (PAF) na ingatan at pahalagahan ang mga gamit na kanyang binili dahil maaaring hindi na maibigay ng susunod na administrasyon ang kanilang mga hiling. Sa talumpati ng Pangulo sa ika-72 anibersayo ng Philippine Air Force  sa Villamor Air Base nitong Martes, direkta niyang inihayag ang pagpapaalala kasabay ng pagbibigay papuri sa mga kasapi ng PAF. Nagpapasalamat din ang Pangulo sa pag-protekta sa Malampaya natural gas plant. “Atin ang Philippine Rise, atin ang Malampaya natural gas plant,”…

Read More

P25-B BORACAY ACTION PLAN APRUB KAY DU30

boracay12

(NI BETH JULIAN) APBRUB na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang P25 billion Boracay Medium Term Action Plan. Sa presentation nina NEDA Director General Secretary Ernesto Pernia at Undersecretary Adoracion Navarro sa idinaos na Cabinet meeting Lunes ng  gabi, iniharap ang apat na tema ng action plan. Kabilang dito ang pagpapatupad ng mga batas o regulasyon para sa pagtanggap ng mga bisita sa Boracay at mga bisita para sa hotel accommodation. Kailangan din magkaroon ng intervention ang gobyerno sa sewerage infrastructure at sa solid and liquid waste management. Dapat ding magpatupad…

Read More

KALIGTASAN NG PINOY FISHERMEN PINAGAGARANTIYA NI DUTERTE SA CHINA

DUTERTE-38

(Ni BETH JULIAN) Nais ni Pangulong Rodrigo Duterte na makuha ang garantiya mula sa China para sa karapatan at kaligtasan ng mga mangingisdang Filipino. Ito ang inhayag ni Pagulong Duterte nang talakayin kamakalawa ng gabi, sa ika-39 na cabinet meeting, ang insidente ng Recto Bank na banggaan ng Chinese vessel at bangkang pangisda ng mga Pinoy noong June 9. Sinabi ni Presidential Spokesman Atty. Salvador Panelo, nais ni Pangulong Duterte na matalakay ang usapin ng Recto Bank sa bilateral meeting sa China. “The cabinet discussed the Recto Bank incident where…

Read More

PNP HANDA VS MAGHAHAIN NG IMPEACHMENT NI DU30

albayalde12

(NI JG TUMBADO) ANUMANG oras ay handa ang elemento ng Philippine National Police (PNP)  na arestuhin ang sinumang maghahain ng impeachment complaint laban kay Pangulong Rodrigo Duterte. Ito ang inihayag kahapon ni PNP Chief Police General Oscar Albayalde kaugnay ng banta ni Pangulong Duterte na ipaaaresto ang sinumang magsasampa ng kaso upang mapatalsik siya sa puwesto. Nilinaw naman ng PNP Chief na hindi basta-basta aarestuhin ang mga  kritiko ng administrasyon dahilan lamang na itinuro ito ng Punong Ehekutibo. “It’s up to the President. If the President would order it and…

Read More

MARAMING LEGISLATIVE AGENDA ASAM NG PALASYO

martinandanar12

(NI BETH JULIAN) TIYAK na mas maraming legislative agenda ni Pangulong Rodrigo Duterte ang maipapasa sa  Kongreso. Sinabi ni Presidential Communications Operations Office Secretary Martin Andanar na ito ay dahil mas maraming kaalyado ang Pangulo na mga kongresista at senador na uupo  sa puwesto. Ayon kay Andanar, kung marami nang accomplishment ang Pangulo sa nakalipas na tatlong taon ay asahan nang mas marami pang magagawa ang Pangulo dahil sa nabuong super majority sa Kongreso. Dagdag pa ni Andanar, tututok din ang Pangulo sa huling tatlong taon nito sa isyu ng…

Read More