(NI ABBY MENDOZA) MALAKI ang papel na gagampanan ng Kongreso sa administrasyong Duterte sa harap na rin ng banta ng impeachment. Dahil dito, nangangailangan ng matatag na lider lalo sa House of Representatives. Ayon sa batikang political analyst na si Mon Casiple mainit ang usapin ng West Philippine Sea (WPS) at ang banta ng impeachment hanggang sa huling nalalabing tatlong taong termino ng Pangulo kaya dito papasok na dapat mayroon itong maaasahang lider sa Kamara. Ani Casiple hindi man aminin ng Pangulo ay nararapat na personal pick nito ang magiging…
Read MoreTag: DUTERTE
DUTERTE HANDANG BUMABA SA POSISYON
(NI CHRISTIAN DALE) HANDA si Pangulong Rodrigo Roa Duterte na bumaba sa puwesto kung ayaw na sa kanya at sa tingin ng mga tao ay hindi na siya kailangan. Aniya, hindi na kailangan pang magkudeta ang mga sundalo para mapaalis siya sa puwesto. Sinabi ng Pangulo na ayaw niyang magkasakitan pa ang mga sundalo kaya sabihan na lamang siya at kusa siyang bababa sa puwesto o kaya ay magre-retiro na lang nang maaga. Kaya, tama lamang aniya ang ginawa nina dating pangulong Ferdinand Marcos at Joseph Estrada na bumaba na…
Read MoreDIREK JOYCE BABAYARAN SA SERBISYO SA SONA
(NI BETH JULIAN) HANDA ang Presidential Communications Operations Office na bayaran ang serbisyo ni Director Joyce Bernal sa gagawin nitong pagdidirek sa ikaapat na SONA ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Hulyo. Sinabi ni PCOO Secretary Martin Andanar na naniniwala siyang dapat lamang na mabigyan ng professional fee si Bernal dahil sa kalibre nito. Gayunpaman, sinabi ni Andanar na ipinauubaya na niya sa Radio Television Malacanang ang pakikipag-usap kay Bernal hinggil dito. Sinabi ni Andanar na hawak naman ng RTVM ang pangangasiwa sa technical na aspeto at production ng SONA ng…
Read MoreBANTA SA IMPEACHMENT; DU30 ‘DEADMA’ SA KONSTITUSYON
(NI BERNARD TAGUINOD) TULUYAN nang nailantad na wala talagang respeto si Pangulong Rodrigo Duterte sa Konstitusyon para sa interes ng China matapos magbanta na ipakukulong sa mga miyembro ng Kongreso kapag in-impeach siya dahil sa usapin sa West Philippine Sea. Ito ang pahayag ni Magdalo party-list Rep. Gary Alejano kaugnay ng banta ni Duterte lalo na’t alam umano nito na “culpable violation of the Constitution” ang pagpayag nito na mangisda ang mga Chinese sa Exclusive Economic Zone (EEZ) ng Pilipinas sa West Philippine Sea. “His threats against possible moves of impeaching…
Read MoreBANTA NI DU30 SA PAPATOL SA IMPEACHMENT: KULONG KAYO!
(NI BETH JULIAN) “SUBUKAN n’yo, ipakukulong ko kayong lahat! Ito ang matapang na hamon ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang mga kritiko na nagbabantang maghahain ng impeachment complaint laban sa kanya bunsod ng pagpayag niya na makapangisda ang mga Tsino sa Exclusive Economic Zone (EEZ) sa West Philippine Sea. Ayon sa Pangulo, hindi niya aatrasan ang mga kritiko niyang gustong magpa-impeach sa kanya. “Impeach ako? Kulungin ko sila lahat,” wika ng Pangulo. Sinabi ng Pangulo na tiyak na may kalalagyan ang mga maglalakas-loob na maghain ng reklamo laban sa kanya.…
Read MoreFISHING DEAL NINA DU30, JINPING NASAAN?
(NI BERNARD TAGUINOD) KAILANGANG ilantad ni Pangulong Rodrigo Duterte ang dokumento hinggil sa fishing agreement nilang dalawa ni Chinese President Xi Jinping upang mabusisi at malaman kung naibenta na ang Pilipinas o hindi. Ginawa nina Bayan Muna party-list Rep. Ferdie Gaite at Carlos Zarate ang hamon matapos sabihin ni Duterte na kaya pinapayagan nito ang mga Chinese na mangisda sa Exclusive Economic Zone (EEZ) ng Pilipinas ay dahil bahagi ito ng fishing agreement nilang dalawa ng Chinese President upang payagan ang mga mangingisdang Filipino na mangisda sa Scarborough Shaol. “Baka…
Read MorePDU30, Xi MAY KASUNDUAN SA WPS ISSUE – PALASYO
(NI BETH JULIAN) MAYROON nang kasunduang pinasok si Pangulong Rodrigo Duterte kay Chinese President Xi Jinping sa isyu ng West Philippine Sea. Ayon sa Pangulo, nag-usap na sila ni Xi na magbigayan sa karagatan at ito ang dahilan kaya pinapayagan niya ang mga Tsino na makapangisda sa Exclusive Economic Zone (EEZ). Dahil dito, sinabi ni dating Foreign Affairs Secretary Albert Del Rosario na kung hindi ipagtatanggol ng Pangulo ang EEZ tulad ng nakasaad sa Saligang Batas ay maaari siyang maharap sa impeachment. Sinabi naman ni Presidential Spokesperson Salvador Panelo na…
Read MoreSONA NI DU30 IDIDIREK MULI NI BB JOYCE BERNAL
(NI BETH JULIAN) GAYA ng nagdaang taon, si Director Joyce Bernal ang muling mangunguna sa official coverage ng State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte. Ito ang kinumpirma ng mga opisyal ng Radio Television Malacanang sa ginanap na pulong sa media para sa ika-apat na SONA ng Pangulo sa Hulyo 22. Ayon kay Malacanang Radio, TV director Pabalan, ipinakita na kay Direk Joyce ang mga bagong ilaw, LED screens at iba pang gamit ng Kongreso. May mga nag-upgrade din sa mga equipment sa House of Representatives na…
Read MoreTULOY ANG LIGAYA; JUETENG ‘DI IPATITIGIL NI DU30
(NI BETH JULIAN) TIYAK nang abot hanggang tainga ang ngiti ng mga gambling lords na nakasentro sa operasyon ng illegal na jueteng sa bansa. Ito ang aasahan matapos ihayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na walang siyang plano ngayon na maghigpit at ipatigil ang operasyon ng jueteng sa bansa. Sa talumpati Martes ng gabi, sinabi ni Duterte sa oathtaking ng bagong halal na lokal na opisyal sa Malacanang, na kapag nabuwag ang network ng jueteng, ang aparatus naman ng ilegal na droga ang tiyak na papalit dito. Aminado ang Pangulo na…
Read More