MS PHILIPPINES GAZINI GANADOS LAGLAG SA MS UNIVERSE 2019

NATAPOS na ang journey ni Gazini Ganados sa Miss Universe 2019 pageant matapos itong malaglag sa Top 10 sa idinaraos na timpalak ngayon. Kabilang sa mga nakapasok ang mga kandidata ng USA, Colombia, Puerto Rico, South Africa, Peru, Iceland, France, Indonesia, Thailand, at Mexico. Inaasahan ng bansa ang back-to-back win ni Ganados kapalit ni Ms Universe 2018 Catriona Gray. Siya rin ang inaasahang magiging ikalimang titleholder matapos nina Gray, Pia Wurtzbach (2015), Margie Moran (1973), at Gloria Diaz (1969).   98

Read More