(NI BETH JULIAN) BAGAMA’T humingi na ng paumanhin, nanindigan pa rin si Presidential spokesperson Atty. Salvador Panelo sa pamilya ni dating senator Miriam Defensor Santiago na walang bisa ang pagkakatalaga sa senadora bilang International Criminal Court (ICC) judge. Nag-sorry si Panelo matapos pumalag ang kapatid ng yumaong senadora sa naging pahayag ni Panelo na void o maituturing na walang bisa ang appointment nito sa ICC bilang judge dahil hindi naman miyembro rito ang Piliipinas. Sa pahayag ni Linn Defensor Evangelista, kapatid ng namayapang senadora, iresponsable at puno ng malisya ang…
Read MoreTag: PANELO
PANELO: YANG PAPATAYIN NI DU30 KUNG…
(NI BETH JULIAN) HINDI paliligtasin ni Pangulong Rodrigo Duterte si Michael Yang sakaling totoo na sangkot ito sa ilegal na droga. Sinabi ni Presidential Spokesperson Atty. Salvador Panelo na kilala si Duterte pagdating sa usapin ng ilegal na droga. Ayon kay Panelo, papatayin ng Pangulo si Yang kapag napatunayang sangkot ito sa transaksyon ng illegal drugs. Iginiit ni Panelo na simula pa man ay galit na si Duterte sa ilegal na droga kaya hindi ito makapapayag na magkaroon ito o ang Palasyo ng pakikipag-ugnayan sa mg taong sangkot sa ilegal…
Read MoreMAY SABWATAN PARA DURUGIN ANG PANGULO — PALASYO
(NI CHRISTIAN DALE) MAY international organizations ang nagsasabwatan para bakbakan si Pangulong Rodrigo Roa Duterte at putikan ang imahe ng Pilipinas gamit ang preliminary investigation sa umano’y extra judicial killing na nangyayari sa bansa. Naniniwala si Presidential spokesperson Salvador Panelo na kasama si Fatou Bom Bensouda, lawyer at international criminal law prosecutor, sa pilit na sumisira sa Pangulo. “I don’t know why she is doing it. What I know is that international organizations appear to have conspired against this President. They opt to believe what they have been receiving from this…
Read MoreICC WALANG AASAHAN SA GOBYERNO NG ‘PINAS
(NI BETH JULIAN) WALANG maaasahan ni katiting na kooperasyon mula sa alin mang ahensya ng gobyerno ang International Criminal Court (ICC). Ito ang tugon ng Palasyo kasunod ng pahayag ni ICC Criminal Prosecutor Fatou Bensounda na nagsabing itutuloy pa rin nila ang inisyal na imbestigasyon laban sa anila’y insidente ng extra judicial killing (EJK) at paglabag sa karapatan-pantao sa Pilipinas. Ipinunto ni Presidential spokesperson Atty. Salvador Panelo, na hindi naman kailanman napasailalim sa hurisdiksyon ng ICC ang Pilipinas. Paliwanag ni Panelo, hindi naman naging binding ang pagpirma ng Pilipinas sa…
Read MoreICC PERSONNEL NA BYAHENG ‘PINAS ‘DI PWEDE MAG-IMBESTIGA
(NI BETH JULIAN) TINIYAK ng Malacanang na hindi makapapasok sa bansa ang International Criminal Court (ICC) personnel na nagbabalak pumunta rito para magsagawa ng preliminary investigation sa giyera laban sa ilegal na droga ni Pangulong Rodrigo Duterte. Ito ay matapos diretsahang ihayag ni Presidential spokesperson Atty. Salvador Panelo na kaagad nilang ide-deny ang visa ng ICC personnel para hindi makapasok sa bansa. “Matulog na lang sila. Why should we allow them to do it first before we do something,” wika ni Panelo. Pero kumambyo naman ang Malacanang at sinabing maaari…
Read MoreKALIWA DAM ‘DI MAGAGAMIT KAHIT MAY KRISIS
(NI BETH JULIAN) INIHAYAG ng Malacanang na malabong matuloy ang planong pagtatayo ng Kaliwa Dam sa Quezon province kahit na nakararanas ng matinding kakapusan sa tubig sa bansa. Ayon kay Presidential spokesperson Atty. Salvador Panelo, marami ang tumututol na maisakatuparan ang plano sa Kaliwa Dam na popondohan sana ng China. Una nang iginiit ni Finance Secretary Carlos Dominguez na kailangan nang matuloy ang konstruksyon ng Kaliwa Dam dahil ito ang nakikitang solusyon sa kakulangan ng suplay ng tubig sa bansa. Nagkakahalaga ng P12.2 bilyon ang pagtatayo ng Kaliwa Dam kung…
Read MoreWATER RESERVOIR BAWAT LUNGSOD, LALAWIGAN MUNGKAHI NG PALASYO
(NI BETH JULIAN) NAKIKITANG solusyon ng Malacanang ang pagkakaroon ng sariling water reservoir sa mga syudad at lalawigan para sa problema sa kakapusan ng tubig. Ito ang inihayag ni Presidential spokesperson Atty. Salvador Panelo kasabay ng pahayag na dedepende ang laki ng gagawing reservoir kung gaano kalaki ang magiging demand ng tubig sa isang partikular na lungsod o sa isang lalawigan. Ayon kay Panelo, itinuturing na artipisyal lamang ang kakulangan ng tubig kaya mas magandang maimbestigahan ang issue upang matuklasan ang sanhi ng kakulangan ng supply at para matiyak na hindi na…
Read MoreSUPPLY NG TUBIG RAMDAM NA NGAYONG BIYERNES – MANILA WATER
(PHOTO BY KIER CRUZ) SIMULA ngayong Biyernes, mararamdaman na umano ng mga customer ng Manila Water ang pagbabalik ng supply ng tubig matapos ang mahigit isang linggong kawalan ng supply. Ang paniniyak ay galing kay Manila Water communications manager Dittie Galang matapos sabihing gumanda ang rate sa water refill ng mga reservoir kaya bumalik sa normal ang kanilang imbak ng tubig. Ang bugso ng tubig ay may halong kulay dahil umano sa mga mineral na galing sa lupa. Maaari umano itong magamit panglinis o pandilig ngunit hindi maaaring inumin kahit…
Read More‘PINAS ‘DI MADEDEHADO SA BILYONG UTANG SA CHINA
(NI BETH JULIAN) TINIYAK ng Palasyo na hindi madedehado ang Pilipinas sa pag utang ng bilyun bilyong pisong halaga para pondohan ang mga infrastructure projects ng pamahalaan. Ito ang sinabi ni Presidential Spokesman Atty. Salvador Panelo bilang reaksyon sa pahayag ni Malaysian Prime Minister Mahathir Mohamad sa pag-utang ng Pilipinas. Ayon kay Panelo, bago pa man ay masusing pinag aralan ng pamahalaan partikular ng mga economic team ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pag utang sa China kaya nakatitiyak na hindi magkakaroon ng problema rito ang Pilipinas. Una nang pinayuhan ni Mahathir ang…
Read More