BANAT NG UN RIGHTS CHIEF SINOPLA NG PALASYO

un15

(NI BETH JULIAN) PUMALAG ang Malacanang sa pahayag ni United Nations High Commissioner for Human Rights Michelle Bachelet na kumokondena sa kampanya kontra ilegal na droga ng administrasyong Duterte. Ayon kay Presidential spokesperson Atty. Salvador Panelo, posibleng nagmula ang impormasyon ni Bechelet sa mga kritiko ng kasalukuyang gobyerno. Sinabi ni Panelo na padalus-dalos ang pahayag ni Bachelet na walang respeto sa rule of law and war on drugs campaign ng gobyerno. Tahasan pang sinabi ni Bachelet na isa rin ito sa mga problema ng isang bansa. Sa 40 session ng…

Read More

PAG-ANGKIN SA SABAH ‘DI BIBITIWAN NG PILIPINAS

sabah

(BETH JULIAN) PINANININDIGAN ng Malacanang na may claims ang Pilipinas sa pinagtatalunang isla ng Sabah, isang teritoryo na idineklarang parte ng Malaysian Federation noong taong 1963. Sinabi ni Presidential Spokesman Atty. Salvador Panelo matagal nang idineklara ng bansa kahit pa noong panahon ni dating pangulong Ferdinand Marcos na may pagmamay-ari ang Pilipinas sa Sabah na taliwas naman sa sinabi ni Malaysian Prime Minister Mahathir Bin Mohamad sa isang panayam Huwebes ng umaga na hindi claimant ang Pilipinas. Gayunman, sa kabila ng magkakaibang pahayag, sinabi ni Panelo na hindi bahagi ng…

Read More

PANELO: DIOKNO ‘DI KAILANGAN ANG PAGPAYAG NG CA

diokno1

NILINAW ng Malacanang na hindi na kailangan ang kumpirmasyon ni Bangko Sentral ng Pilipinas Governor Benjamin Diokno sa Commission on Appointments. Ito ay bunsod ng unang sinabi ni Presidential spokesperson Salvador Panelo na tiwala ang Palasyo na lulusot si Diokno sa CA dahil sa kanyang husay at integridad. Ibinigay paliwanang ni Panelo na hindi saklaw si Diokno sa mga listahan ng mga opisyal na kailangan pang dumaan sa pagsang-ayon ng CA. Si Diokno ay itinalaga ni Pangulong Rodrigo Duterte bilang bagong governor ng BSP kapalit ng yumaong si dating governor…

Read More

SWS SURVEY SA PULIS SA EJK PINALAGAN NG PALASYO

ejk200

(CHRISTIAN DALE) PINALAGAN ng Malakanyang ang inilabas na survey ng SWS na nagsasabing mayorya ng mga Pilipino ay naniniwalang sangkot pa rin ang ilang mga pulis sa kalakaran ng iligal na droga, extrajudicial killings at nagtatanim ng ebidensiya sa mga drug suspects. Sinabi ni Presidential spokesperson Salvador Panelo, na sana ay naisama rin sa survey ng SWS ang tungkol sa magaganda namang nagawa ng mga pulis laban sa anti-drug war. Mas mabuti sana, ani Panelo, na nailahad sa survey ang pagkalagas ng 165 pulis bukod sa pagkakasugat ng 575 iba…

Read More

MARTIAL LAW  VS ILLEGAL DRUGS MALABO

Atty Salvador Panelo

(NI CHRISTIAN DALE) SUNTOK sa buwan  kung magdeklara ng martial law si Pangulong Rodrigo Roa Duterte para solusyunan ang problema sa iligal na droga. Bagama’t uubra, ayon kay Presidential Spokesperson Salvador Panelo, ang pagdeklara ng Pangulo ng batas militar laban sa ilegal na droga para masiguro ang seguridad ng publiko ay hindi niya ito gagawin. ” I don’t think so, because he doesn’t have to. We are containing it, given the figures – official figures,” ayon kay Sec. Panelo. Aniya, epektibo pa rin ang kampanya kontra iligal na droga kahit may mga…

Read More

DoH SA UNIVERSAL HEALTH CARE: PONDO KAPOS

DOH

(NI LILIBETH JULIAN) KAHIT na ganap nang batas ang Universal Health Care Law matapos lagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte, hindi pa ito agad agad na lubos na mapakikinabangan ng mga Filipino. Ito ay matapos ihayag mismo ni Health Secretary Francisco Duque III, na hindi kaagad ito maipapatupad dahil babalangkasin pa ang implementing rules and regulations (IRR) nito. Sinabi ni Duque na may P40 bilyong halaga rin kakulangan sa pondo para rito base sa panukalang budget. Noong Miyerkoles ng hapon nang opisyal nang lagdaan ng Pangulo ang nasabing batas na nasa ilalim nito…

Read More

DIGONG BUSY; ‘DI SIGURADO SA EDSA 1 ANNIV

power20

(NI LILIBETH JULIAN) WALA pang kasiguruhan kung sisiputin ni Pangulong Rodrigo Duterte ang paggunita ng anibersaryo ng EDSA People Power Revolution. Ito ay matapos ihayag ni Presidential Spokesperson Atty. Salvador Panelo, na wala at hindi pa alam kung dadalo o hindi ang Pangulo sa okasyon sa kadahilanang marami itong trabaho. Madalas na idahilan ng Pangulo sa tuwing hindi ito pagdalo sa mga okasyon ay ang pagiging abala nito sa pagbabasa ng mga dokumento na may kinalaman sa trabaho sa gobyerno o pagbabasa ng mga libro na makadaragdag sa kanyang kaalaman.…

Read More

RAPPORTEUR REPORT INALMAHAN NG PALASYO

panelo

(NI LIILBETH JULIAN) PUMALAG  ang Malacanang sa report ng rapporteur hinggil sa sitwasyon ng karapatan-pantao ng ilang personalidad sa bansa. Inihalimbawa sa report sina Senator Leila de Lima, dating Supreme Court Chief Justice Maria Lourdes Sereno at Rappler CEO Maria Ressa. Iginiit ni Presidential spokesperson Atty. Salvador Panelo na walang basehan ang report ng special rapporteur dahil pawang pekeng impormasyon ang ibinigay ng mga partisan group dito para makakuha ng simpatiya na layong mabanatan si Pangulong Rodrigo Duterte. Nakasaad sa report ng special rapateur na ang pagpapakulong kay de Lima,…

Read More

FARMERS TUTUTOK SA REGULASYON NG RTA

dufarm

(NI LILIBETH JULIAN) INOOBLIGA na makibahagi sa pagbabantay sa pagbuo ng Implementing Rules and Regulation ng Rice Tariffication Act ang mga rice farmers. Ito ang panghihikayat ng Malacanang sa mga magsasaka dahil mahalagang maging aktibo ang mga magsasaka sa bubuuing IRR para makita at matiyak na hindi mapapasukan ng anumang iregularidad ang pagpapatupad ng batas. Ayon kay Chief Presidential Legal Counsel at Presidential spokesperson Secretary Salvador Panelo, kakailanganin ang mahigpit na pagbabantay ng mga magsasaka ang pagbuo ng IRR para na rin sa kanilang kapakanan. Dito, tiniyak ni Panelo na hindi kukunsintihin…

Read More