‘BIKOY’ MAY KASABWAT; KREDIBILIDAD WASAK — PANELO

panelo15

(NI BETH JULIAN) NANINIWALA ang Malacanang na may kasabwat si Peter Joemel Advincula para sirain ang pamilya Duterte. Ito ang reaksyon ni Presidential spokesperson Atty. Salvador Panelo, matapos lumutang sa Intergrated Bar of the Philippines (IBP) si Advincula na nagpakilalang si alyas Bikoy. Gayunman, sinabi ni Panelo na  tila hindi namamalayan ng IBP na nagagamit sila ng  isang manloloko sa katauhan ni Advincula. Giit pa ng opisyal, sumingaw ang baho ni Advincula matapos mabatid na marami itong criminial records tulad ng large scale estafa, illegal recruitment at pagnanakaw. Ito ay…

Read More

PALASYO SA BAR PASSERS: MAGTRABAHO SA GOBYERNO     

panelo 200

(NI BETH JULIAN) UMAASA ang Malacanang na mas bibigyang prayoridad ng mga bagong abogado ng bansa ang pagseserbisyo o pagtatrabaho sa gobyetno. Ito ang apela ng Malacanang kasunod ng inilabas na resulta ng 2018 Bar exams noong Huwebes ng Korte Suprema. Ayon kay Presidential spokesperson Atty. Salvador Panelo, kumpiyansa ang Palasyo na uunahin ng mga bagong abogado ang malasakit at magserbisyo sa bansa sa pamamagitan ng pagsisilbi sa gobyerno. “We hope that many of our country’s new lawyers consider pursuing a career in the government and help build a progressive…

Read More

1 LINGGO NANG ‘DI NAKIKITA: PANGULO ABALA SA PAPERWORKS — PANELO

SINAGOT ni Presidential spokesperson Salvador Panelo ang pagkawala ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Palasyo at iginiit na nasa Davao City lamang ito at nagtatrabaho. Sa panayam, sinabi ni Panelo na may mga paperworks na ginagawa ang Pangulo sa kanyang lalawigan. Isang linggo na umanong hindi nakikita ang Pangulo at ang huli ay sa pagbubukas ng Palarong Pambansa. Makailang ulit na ring ipinagtanggol ng Malacañang na walang malubhang sakit ang Pangulo. Nagbigay na rin ng pahayag ang Presidential son na si Paolo at sinabing mas malakas pa sa kalabaw ang kanyang…

Read More

PAGDAMI NG DAYUHANG DOKTOR IIMBESTIGAHAN NG SENADO

gordon12

(NI BETH JULIAN) MAKABUBUTING imbestigahan kung bakit dumarami ngayon ang mga dayuhang doktor na nagpa-practice ng medisina sa Pilipinas. Ito ang pagsang-ayon ng Malacanang sa ikinakasang pagdinig ng Senado sa usapin, partikular si Senator Richard Gordon, chair ng Senate Blue Ribbon Committee. Sinasabing nakatanggap ng impornasyon si Gordon na nagsabing mayroon isang organisasyon ang umano’y nagdadala ng mga dayuhang doktor sa bansa. Karamihan sa mga nasabing dayuhang doktor ay pawang mga Pakistani at Nepalis na tumatayong medical consultant sa ilang ospital ng gobyerno sa mga urban areas kahit hindi pa…

Read More

CHINA WALANG HININGING KAPALIT SA GRANT SA PINAS — PALASYO

duterte12

(NI BETH JULIAN) NANINIWALA Malacanang na walang hinihinging kondisyon ang China sa ipinangakong grant ni Chinese President Xi Jinping kay Pangulong Rodrigo Duterte. Katunayan, sinabi ni Presidential spokesperson Salvador Panelo na libreng  itinatayo ng China ang ilang  infrastructure projects sa bansa. Ayon kay Panelo, wala sa karakter ng China ang humingi ng kapalit sa tulong na kanilang ibinibigay sa ibang bansa. “Idon’t think so. Like for instance, ‘di ba nagpagawa sila, mayroon silang kinokonstrak na mga libre eh, wala naman silang hinihingi, nagbigay lang sila,” wika pa ni Panelo. Matatandaang…

Read More

PALASYO NAKAANTABAY SA ‘OUST DUTERTE MATRIX’

duterte500

(NI CHRISTIAN DALE) INAANTABAYANAN ngayon ng Malakanyang kung ano ang susunod na mangyayari matapos na maisapubliko ang oust Duterte matrix. Ayon kay Presidential Communications Operations Office (PCOO) Secretary Martin Andanar, bukas ang pamahalaan na maimbestigahan ang matrix upang malaman ang tunay partisipasyon dito ng mga sangkot na indibidwal. Aniya, nakaanbatay lamang ang Malakanyang sa kung ano ang magiging aksiyon ng Justice Department hinggil sa naturang isyu. Nauna nang sinabi ng grupo ng mga abugadong kasama sa matrix na kanila itong kukwestyunin sa Korte Suprema. Samantala, sinabi ni Presidential spokesperson Salvador…

Read More

MONITORING SA PERSONALIDAD SA MATRIX KINONTRA

matrix12

(NI BETH JULIAN) SA kabila ng paglabas ng matrix na nagdadawit sa mga mamamahayag sa umano’y planong pagpapabagsak sa pamahalaan at pagpapatalsik sa puwesto kay Pangulong Rodrigo Duterte, kinontra ni Presidential Spokesperson Salvador Panelo na isinasailalim sa monitoring at surveillance ng ibang bansa ang mga Filipino lalo na ang mga mamahayag at iba pang grupong kritikal sa administrasyong Duterte. Katwiran ni Panelo, palitan lamang ito ng intelligence information sa pagitan ng magkakaibigang bansa. Nang tanungin  kung walang problema ang ginagawang ito ng mga dayuhan, sinabi ni Panelo na hindi niya…

Read More

‘OUST-DUTERTE PLOT MATRIX ‘DI GALING SA PALASYO’

panelo 200

(NI BETH JULIAN) MAKALIPAS lamang ang ilang minuto nang sabihing galing sa Office of the President ang impormayong inilabas ng isang pahayagan patungkol umano sa ‘oust-Duterte plot’, agad kumambyo si Presidential Spokesperson Salvador Panelo at kinontra ang unang pahayag. Ayon kay Panelo, blangko ito kung saan nakuha ng Manila Times at ng negosyanteng si Dante Ang ang sinasabing kopya ng matrix na nagpapakita ng umano’y sabwatan ng ilang mamamahayag para siraan at patalsikin sa puwesto ang Pangulo. Iginiit ni Panelo na siya dapat ang maglalabas ng matrix sa publiko pero…

Read More

PANELO: KRISIS SA ENERHIYA KONTROLADO NG PALASYO

panelo12

(NI BETH JULIAN) WALANG nakikitang dapat ipag-alala ang publiko kaugnay ng posibleng krisis sa enerhiya. Ito ang tiniyak ni Presidential spokesperson Salvador Panelo sa kabila ng sunud-sunod na red alert status ng ilang planta ng kuryente sa Luzon grid. Sinabi ni Panelo na ‘on top of the situation’ pa rin ang pamahalaan sa problemang ito. Ayon kay Panelo, nagkausap  na sila ng mga opisyal ng Department of Energy (DoE) at siniguro ni Energy Secretary Alfonso Cusi na tinutugunan na ang problema. Nag-usap na sa Malacanang ang mga miyembro ng Gabinete…

Read More