SEN. PACQUIAO NAPAGKAMALANG PRESIDENTE NG PINAS

MANNY PACQUIAO

(NI KC GUERRERO) Sabi sa pralala ng Eddy Awards ng The Society of Philippine Entertainment Editors (SPEEd), large diversity ang ni-represent ng kanilang 7 nominees for major categories. Mas malawak at malaki ang pagkakaiba-iba ng mga nominado sa Star Awards for Movies. Sampu ang Star Awards nominees: Ogie Alcasid, Nonie Buencamino, Paolo Contis, Dingdong Dantes, Eddie Garcia, Coco Martin, Daniel Padilla, Piolo Pascual, James Reid, Vic Sotto. Sa Eddys: Paolo Contis, Christian Bables, Eddie Garcia, Carlo Aquino, Dingdong Dantes, Piolo Pascual, Daniel Padilla. Inisnab ng Eddys ang Ogie, Coco, Vic…

Read More

DUTERTE NASA MAAYOS NA KALAGAYAN  SA BAHAY PANGARAP

(NI CHRISTIAN DALE) TINIYAK ng Malakanyang na nasa Bahay Pangarap sa Malacañang Park lamang si Pangulong Rodrigo Roa Duterte. Ang Bahay Pangarap ang Official Residence ni Pangulong Duterte. Sinabi ni Presidential spokesperson Salvador Panelo, marami umanong pinipirmahan na papeles at dokumento si Pangulong Duterte. “There is no truth to the rumor circulating that President Rodrigo Roa Duterte is confined in Cardinal Santos Medical Center in San Juan. The President is in his residence at the Palace signing papers,” ani Panelo. Nakausap niya si Pangulong Duterte kung saan ay hindi naman…

Read More

PANELO: SANDRA CAM MAAARING MAG-RESIGN KUNG GUSTO NIYA

SANDRACAM13

BINUWELTAHAN ng Malacanang ang pasabog ni Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) board director Sandra Cam sa pagsabing malaya siyang makaaalis sa pwesto kung hindi na niya masikmura ang korupsiyon sa ahensiya. Hindi na rin umano niya kailangan pa ang aksiyon ni Pangulong Rodrigo Duterte na alisin siya sa pwesto, ayon kay presidential spokesperson Salvador Panelo. Isang press conference ang ipinatawag ni Cam noong Huwebes at hiniling nito sa Pangulo na sibakin na siya sa pwesto dahil umano sa mga katiwaliang nagaganap. Ayon sa report, sinabi ni Cam na may P10 bilyon…

Read More

VICTORY PARTY NG ADMIN BETS MALABO

duterte500

(NI BETH JULIAN) OUT of character. Ganito isinalarawan ni Presidential spokesperson Salvador Panelo si Pangulong Rodrigo Duterte nang usisain kung magbibigay ito ng victory party sa mga nanalong kandidato ng administrasyon nitong nagdaang eleksyon. “Malabong mangyari yan, out of character ang Pangulong Duterte sa ganyang usapin, hindi naman mahilig yun sa ganun. Workaholic si Presidente,” pahayag ni Panelo. Giit ni Panelo, kahit maging sa mga kapistahan o anumang okasyon ay hindi maaasahan ang Pangulo maliban lamang kung may mga importante itong kausap na may kaugnayan sa trabaho at kung hindi…

Read More

‘ALEGASYON NA ‘MASSIVE CHEATING’ ASAHAN SA TALUNAN’

bayan muna12

(NI BETH JULIAN) ASAHAN  na. Ito ang tugon ng Malacanang sa alegasyon nina Bayan Secretary-General Renato Reyes at Neri Colmenares na may nangyaring massive cheating o talamak na dayaan sa katatapos lamang na 2019 national elections. Ayon kay Presidential spokesperson Salvador Panelo, pagkatapos ang pagkatalo ng ilang anti-Duterte candidates nitong nagdaang halalan gaya nina Reyes at Colmenares na agad na kinuwestyon ng mga ito ang Duterte magic na nagpabagsak sa maraming left-leaning party-list groups at  kanilang mga kandidato sa pagka-senador. Iginiit ni Panelo na ang pagkatalo ng mga ito ay…

Read More

POLITICAL DYNASTY NASA KAMAY NG BOTANTE

panelo 200

(NI BETH JULIAN) NASA kamay ng mga botante ang pagpapatuloy ng pagtigil na ng sistema ng political dynasty. Ito ang paniniwala ng Malacanang sa gitna ng pagkagiba ng mga kilalang angkan ng mga politiko sa nagdaang eleksyon. Sinabi ni Presidential Spokesperson Salvador Panelo, magkakaiba ang paniniwala ng mga Filipino sa political dynasty. Aniya, iba ang dynamics sa local elections dahil ang mga residente o constituents ang mas nakaaalam kung ano at sinong opisyal ang makabubuti para sa kanila. Ayon kay Panelo, kung maayos naman ang pamumuno ng angkan ng politiko…

Read More

PALASYO UMAPELA SA MGA POLITIKO

dutert100

(NI BETH JULIAN) UMAPELA ang Malacanang sa mga kandidato mula sa iba’t ibang partido na panatilihing maging tapat, maayos, mapayapa at kapani-paniwala ang halalan sa bansa ngayong Mayo 13. Kasabay nito, hinikayat din ng Malacanang ang mga botante na  makiisa at gamitin ang karapatan na iluklok ang nararapat na manungkulan para sa ikabubuti ng kanilang lugar at ng bansa. “Nananawagan kami sa lahat ng Filipino na may karapatang bumoto na pairalin ang kanilang kapangyarihan na mag-participate in this healthy democratic exercise as we call on all candidates across the political…

Read More

6-7 % ECONOMIC TARGET KAYANG MAABOT — PALASYO

panelo

(NI BETH JULIAN) KUMBINSIDO ang Malacanang na maaabot ng gobyerno ang anim hanggang pitong porsiyentong economic target para 2019. Sa kabila ito ng naitalang pagbagal ng GDP gross o sa ekonomiya ng bansa sa unang tatlong buwan ng 2019 na sumipa lamang sa 5.6 percent. Sinabi ni Presidential Spokesperson Salvador Panelo na nawawala ang economic momentum ng pamahalaan lalo na ngayong wala nang problema sa pambansang budget. Kumpiyansa si Panelo na magtutuluy-tuloy na ang mga proyektong pang imprastraktura ng gobyerno na inaasahang makapag aambag ng pagpalo sa lokal na pagangailangan.…

Read More

‘BIKOY’ MAY KASABWAT; KREDIBILIDAD WASAK — PANELO

panelo15

(NI BETH JULIAN) NANINIWALA ang Malacanang na may kasabwat si Peter Joemel Advincula para sirain ang pamilya Duterte. Ito ang reaksiyon ni Presidential Spokesperson Salvador Panelo, matapos lumutang sa Integrated Bar of the Phippines (IBP) si Advincula na nagpakilalang si alyas Bikoy. Gayunman, ayon kay Panelo, tila hindi namamalayan ng IBP na nagagamit sila ng  isang manloloko sa katauhan ni Advincula. Giit pa ng opisyal, sumingaw ang baho ni Advincula matapos mabatid na marami itong criminal records tulad ng large scale estafa, illegal recruitment at pagnanakaw. Ito ay patunay lamang…

Read More