SSS RACE CAMPAIGN EPEKTIBO, 75% KOMPANYA TUMALIMA

sss16

MAHIGIT  75 porsyento ng 115 delingkwenteng employers na pinuntahan ng Social Security System (SSS) noong 2018 sa ilalim ng programang Run After Contribution Evaders (RACE) ang agad na sumunod sa kautusan at nagbayad ng kanilang mga obligasyon. Sinabi ni SSS President at Chief Executive Officer Emmanuel F. Dooc na 87 ng 115 kinilalang delingkwenteng employers na sumailalim sa RACE Campaign ay tumupad sa kanilang mga obligasyon sa ilalim ng Social Security Act of 1997 bunga ng pinaigting na kampanya sa impormasyon at koleksyon ng ahensya. “Matapos naming puntahan ang 10 lungsod…

Read More