TOP 7 MWP SA RAPE DINAMPOT SA MALL

CAVITE – Dinampot sa loob ng isang kilalang mall ang isang lalaki na may kasong anim na counts ng rape, at nakalista bilang ng top 7 most wanted person (MWP) regional level, habang pagala-gala sa Gen. Trias City noong Miyerkoles ng umaga.

Nauna rito, nakatanggap ng ulat ang Warrant Section ng Gen. Trias Component City Police Station na namataan ang suspek na si alyas “Ramon” na pagala-gala sa loob ng isang mall sa Brgy. Tejero, Gen. Trias City, kaya agad nagkasa ng operasyon kasama ang PIT Cavite RIU 4A (Intel Packet Division) at 401st MC RMFB4A, na nagresulta sa pagkakaaresto sa suspek bandang alas-10:00 ng umaga.

Si alyas “Ramon” ay may warrant of arrest dahil sa kasong rape sa ilalim ng Art. 266 -A 1(A) (6 counts) at walang nakalaang piyansa, rape sa ilalim ng Article 266-A PAR, rape sa ilalim ng Article 266-A in relation to 266-B ng RPC, na pawang walang inirekomendang piyansa, at rape through sexual assault na may piyansang P200,000.

Ang warrant of arrest para sa nasabing mga kaso ay inisyu ni Presiding Judge Flordeliz Cabanlit Fargas, ng Family Court, Judicial Region Branch 5, Trece Martires City, Cavite.

(SIGFRED ADSUARA)

35

Related posts

Leave a Comment