TULAK SWAK SA P.5-M BATO

SWAK sa karsel ang isang lalaki nang makumpiskahan ng mahigit sa P.5 milyong halaga ng shabu sa buy-bust operation sa Caloocan City noong Martes ng gabi.

Arestado si Jaycee Cuevas, 31, ng #276 Cabulusan 1, Brgy. 24 ng nasabing lungsod.

Bandang alas-11:50 ng gabi nang isagawa ang operasyon kontra sa suspek sa C3 Road, A. Mabini St., Brgy. 23.

Ayon sa ulat, umiskor ang isang undercover cop ng P10,000 halaga ng shabu sa suspek at nang tanggapin ni Cuevas ang marked money ay agad siyang dinakma ng mga awtoridad.

Nakuha sa pag-iingat ni Cuevas ang aabot sa 75 gramo ng shabu na tinatayang P510,000 ang halaga, at isang P1,000 bill kasama ng siyam na pekeng P1,000 bills na ginamit bilang buy-bust money. (ALAIN AJERO/FRANCIS SORIANO)

113

Related posts

Leave a Comment