U.S. NAGBIGAY NG P55-M AID SA CARINA VICTIMS

NAGKALOOB ang United States government, sa pamamagitan ng U.S. Agency for International Development (USAID), ng P55 million ($1 million) halaga ng humanitarian aid sa mga komunidad na apektado ng malawakang pagbaha na dulot ng bagyong Carina.

Ayon sa anunsyo ni U.S. Secretary of State Antony Blinken sa kanyang pagbisita sa Manila, ang nasabing ayuda ay tutugon sa agarang pangangailangan ng mga apektado at vulnerable communities sa Bulacan, Ilocos Norte, Ilocos Sur, Lanao Del Sur, Maguindanao del Norte, Maguindanao del Sur, National Capital Region, at Pampanga.

Sa pamamagitan ng nasabing pondo, ang USAID, sa pakikipagtulungan sa Catholic Relief Services and Action Against Hunger, ay magkakaloob sa mga pamilya ng food aid, hygiene kits, emergency shelter kits, clean water, at one-time cash transfers na makatutulong sa kanilang pagbangon mula sa trahedya nang ligtas at may dignidad.

“The United States is providing $1 million to ensure life-saving assistance reaches families across the archipelago who have been devastated by severe flooding and landslides,” pahayag ni USAID Acting Mission Director Betty Chung. “We are committed to working with the Philippine government and people as they rebuild and recover from this disaster.”

Mula noong Hulyo 16, ang USAID ay nagbibigay ng logistical assistance sa Philippines Department of Social Welfare and Development at Department of Human Settlements and Urban Development bilang tugon sa mapaminsalang pagbaha at pag-ulan sa Mindanao at Central Luzon. Sinusuportahan din ng USAID ang International Organization for Migration sa pamamahagi ng 700 shelter-grade tarpaulins at ang World Food Programme sa paghahatid ng

30,000 family food packs sa mga komunidad sa Mindanao. (JESSE KABEL RUIZ)

306

Related posts

Leave a Comment