NAG-ALOK ng scholarship ang Lakbay Hustisya Foundation na pinamumunuan ni Rizal 2nd District Congressman Fidel Nograles sa mga nag-aaral ng abogasya.
Gayunpaman, lahat ng mga scholar ng nasabing foundation na itinatag ni Nograles ay kailangang magbigay ng libreng legal services sa mahihirap kapalit ng kanilang scholarship.
“We are offering scholarship grants to law students nationwide to encourage them to explore advocacy work, specifically in providing legal aid to indigent Filipinos,” pahayag ni Nograles.
Ayon sa mambabatas, maraming mamamayan ang walang kakayahang kumuha ng abogado sa kanilang problemang legal kaya itinatag nito ang Lakbay Hustisya Foundation.
Ang problemang ito ng mahihirap ang dahilan kaya naghain ito ng panukala sa Kamara para magkaroon ng access sa hustiya tulad ng House Bill (HB) 4281 o Public Attorney’s Office
Modernization Act of 2019 at HB 2993 o Legal Aid Program Act of 2019 na naglalayong magkaroon ng legal aid program sa mga private at public law schools.
Upang mas lalong mapalakas aniya ang pagtulong sa mga taong nangangailangan ng libreng legal service ay nagpasya ang Lakbay Hustisya Foundation ng scholarship ngayong academic year
2020-2021 sa lahat ng 3rd at 4th year law students.
“In exchange for the grant, the awardees must render fifty hours of legal aid per semester.
In cases where the awardee is required to provide legal aid as an academic requirement by their school, the 50-hour service requirement should be fulfilled separately,” ani Nograles.
Maaaring mag-apply ang mga law student na interesado sa nasabing scholarship hanggang October 31, 2020.
“Admittedly, magiging mabigat ang dagdag na responsibilidad para sa mga papasang scholar. But we believe that the kind of scholars we will attract are exactly those who do not mind putting in
the necessary hard work to do something meaningful,” dagdag pa ng Harvard-trained lawyer. (BERNARD TAGUINOD)
227 