PINATUTUTUKAN ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. kay Department of Labor and Employment (DOLE) Secretary Francis Tolentino ang mga programang magpapahusay sa kakayahan at kasanayan ng mga manggagawa, gayundin ang mga hakbang para sa wage increase.
Sinabi ni Presidential Communications Office (PCO) Undersecretary at Palace Press Officer Claire Castro na ginagawa na ni Secretary Tolentino ang naturang direktiba ng Pangulo.
Ayon kay Castro, bahagi ito ng layunin ng Pangulo na palakasin ang labor sector at pangalagaan ang kapakanan ng mga manggagawang Pilipino.
Aniya, kinikilala ng administrasyon ang pangangailangang paunlarin ang labor force ng bansa at mamuhunan sa employable skills upang maging future-ready ang mga Filipino worker.
Dagdag pa ni Castro, nais din ng Pangulo na palawakin pa ang programang Trabaho Agad job fairs upang makapagbigay ng libu-libong oportunidad sa trabaho para sa mga naghahanap ng hanapbuhay sa iba’t ibang bahagi ng bansa.
(CHRISTIAN DALE)
28 