WISHLIST SA SONA NI PBBM: GERIATRIC HOSPITAL AT UNIVERSAL PENSION

UMAASA si Senior Citizens Party-list Rep. Rodolfo “Ompong” Ordanes na mabanggit at isulong ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., sa kanyang nalalapit na State of the Nation Address (SONA) ang dalawang mahalagang panukalang-batas para sa nakatatandang populasyon ng bansa.

Sinabi ni Ordanes ang pinakamahalagang marinig ng senior citizens sa SONA ni Marcos Jr., ang pag-apruba sa panukalang universal social pension ar Geriatric Health Act.

Binanggit din niya ang tama at maayos na pagpapatupad ng mga programang pangkalusugan para mabawasan ang bayarin ng senior citizens sa kanilang pagpapa-ospital.

Ilang taon nang isinusulong ng party-list ang Universal Social Pension Act, na ang layon ay mabigyan ng P1,000 kada buwan ang lahat ng senior citizens sa bansa anoman katayuan sa buhay.

Inamin ni Ordanes, na vice chairman ng House Appropriations Committee, na may mga kinakaharap na hamon sa paglalaan ng pondo kaya’t aniya dapat ay hinaharap din ito para hindi maaantala pa ang pagkasa ng programa.

Hiniling din ni Ordanes ang suporta ng Punong Ehekutibo sa panukalang Geriatric Health Act, na naghihintay na lamang ng aksyon ng bicameral conference committee.

Ikinatwiran niya na patuloy na lumulobo ang populasyon ng senior citizens sa bansa.

Hiniling din ng mambabatas na linawin ng husto ng administrasyon kung sino ang kuwalipikado sa Zero Balance Billing at aniya dapat imbestigahan ng Department of Health at PhilHealth ang mga reklamo ng hindi tamang pagpapatupad nito.

99

Related posts

Leave a Comment