PROTEKSYON SA SEAFARERS ISINULONG NG DOLE

0

ISINUSULONG ngayon ni Department of Labor and Employment (DOLE) Secretary Silvestre Bello III ang dagdag na proteksyon at pagkilala sa mga mandaragat sa pag-amyenda sa 15-taon nang ‘maritime convention’ ng International Labor Organization (ILO).

Pahayag ito ni Secretary Bello sa harap ng mga lider sa pagdaragat sa London nitong nakaraang Linggo bilang keynote speaker ng International Meeting on Future-Proofing of the Maritime Labour Convention of 2006.

Iginiit ni Bello na malabo ang isinasaad ng umiiral na ILO statute sa pagbibigay ng tamang trato at proteksyon sa mga mandaragat anoman ang lahi.

Partikular niyang tinukoy na sa ilalim ng convention, ang mga bansang kaanib ay hinihikayat lamang na magsagawa ng imbestigasyon sa mga seryosong ‘casualty’ sa karagatan.

“We strongly recommend the amendment of the Maritime Labour Convention to recognize seafarers as key workers,” dugtong pa ng kalihim.

Pinakaapektado umano nito ang Pilipinas na isa sa pinakamaraming mandaragat.  Ipinagmalaki niya ang mga nagawa ng Pilipinas para maging patas ang pagtrato sa mga mandaragat lalo ngayong pandemya.

Kabilang dito ang pag-partner sa Seafarers’ Rights International noong 2018 na lumikha ng  Manila Statement sa “Fair Treatment of Seafarers in the Event of a Maritime Accident”. (RENE CRISOSTOMO)

 
"COMMENT DISCLAIMER: Reader comments posted on this Web site are not in any way endorsed by SAKSI NGAYON. Comments are views by saksingayon.com readers who exercise their right to free expression and they do not necessarily represent or reflect the position or viewpoint of saksingayon.com. While reserving this publication’s right to delete comments that are deemed offensive, indecent or inconsistent with SAKSI NGAYON editorial standards, SAKSI NGAYON may not be held liable for any false information posted by readers in this comments section."

Related posts

Leave a Comment