LIBRENG SWAB TEST SA MAYNILA SUSPENDIDO

0

PANSAMANTALANG sinuspinde ng pamahalaang lokal ng Maynila ang libreng swab test bilang pagbibigay-daan sa pagdiriwang ng panahon ng Kapaskuhan.

Ilang araw munang sususpendihin ng Manila City government ang pagsasagawa ng libreng mass swab testing sa lungsod laban sa coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Base sa inilabas na ulat ng Manila Public Information Office, wala munang mass swab testing simula ngayong araw, Disyembre 23, Miyerkoles.

Magtatagal ang suspensiyon ng aktibidad hanggang sa Disyembre 27, Linggo.

Nabatid na muli namang magbabalik ang libreng mass swab testing sa Disyembre 28 hanggang Disyembre 30.

Gayunman, muli naman itong sususprndihin mula Disyembre 31, 2020 hanggang sa Enero 3, 2021 upang bigyang-daan naman ang pagsalubong ng mga Filipino sa Bagong Taon.

Inaasahan namang magpapatuloy ang pagsasagawa ng libreng swab testing sa Enero 4, 2021, Lunes.

Ipinag-utos ni Manila Mayor Francisco ” Isko Moreno” Domagoso ang pagbibigay ng libreng swab testing bilang bahagi ng pagsusumikap na masugpo ang pagkalat ng nasabing sakit. (RENE CRISOSTOMO)

 
"COMMENT DISCLAIMER: Reader comments posted on this Web site are not in any way endorsed by SAKSI NGAYON. Comments are views by saksingayon.com readers who exercise their right to free expression and they do not necessarily represent or reflect the position or viewpoint of saksingayon.com. While reserving this publication’s right to delete comments that are deemed offensive, indecent or inconsistent with SAKSI NGAYON editorial standards, SAKSI NGAYON may not be held liable for any false information posted by readers in this comments section."

Related posts

Leave a Comment