KAILANGAN KUMILOS LABAN SA OIL PRICE HIKES!

KAKAMPI MO ANG BAYAN TEDDY

Nagkilos-protesta ang mga miyembro ng Bayan Muna kasama si Bayan Muna Partylist Representative Carlos Isagani Zarate noong Martes sa harap ng istasyon ng isang bigtime oil company. Ito ay dahil sa malakihang taas-presyo sa krudo.

Sa ngayon, tataas ang presyo ng gasoline na ?1.40-?1.75 kada litro (kasabay ng pagtaas ng ethanol); ang diesel na ?1.40-?1.50 kada litro; kerosene na ?1.30-1.40 kada litro; at LPG na ?1.00-2.00 kada litro.

Ang Oil Deregulation Law ay nagpaubaya sa mga oil company na idikta ang presyo ng krudo. Ang safety net lamang natin dito ay ang pagsubaybay ng Department of Energy upang hindi pagsamantalahan ng mga pribadong kumpanya ang kalayaan nilang magdikta ng presyo. Ngunit, tila naging tauhan na lamang ng Big 3 ang DOE, dahil kimi ito sa tuluy-tuloy na pagtaas ng presyo ng langis. Kaya naman, iginigiit natin sa DOE na ilabas na ang kanilang memo ukol sa Oil Unbundling. Sa kapabayaan na ito, pinag-iisipan na ng Bayan Muna na maghain ng kaso laban sa DOE.

Ang hirap sa patuloy na pagtaas ng presyo ng langis ay bulag ang mga mamamayan kung tama ba ang sinisingil sa atin. Napakahalaga ng Oil Unbundling. Matagal na nating hinihingi ang datos ng mga kumpanya sa presyuhan ng langis nila sa pag-import ng mga kumpanya ng langis, freight, land transportation, additives, at lahat ng proseso na nagdadagdag sa presyuhan ng langis. Ngunit hindi sumasagot ang mga oil companies, lalo na ang Big 3.

Lalo pang pinapataas ang presyo ng langis sa pagpataw ng excise tax sa ilalim ng TRAIN Law.

Patung-patong ang pahirap sa mamamayan ng mga kumpanya ng langis at ng gobyerno na hindi dinidinig ang daing ng mamamayan. Ang Bayan Muna ay patuloy na kikilos, sa Kongreso, mga Korte, o Kalsada man para sa kapakanan ng mas nakararaming mamamayan.  (Kakampi Mo ang Bayan / Teddy Casiño)

93

Related posts

Leave a Comment