2 PARI SA SARANGANI NAHAWA NG COVID-19

SARANGANI – Isinailalim sa lockdown ang dalawang Simbahang Katoliko sa bayan ng Alabel sa lalawigang ito makaraang magpositibo ang dalawang pari sa coronavirus disease (COVID-19), iniulat kahapon.

Ayon kay Alabel Mayor Vic Paul Salarda, nagsasagawa na sila ng contact tracing sa mga dumalo sa misa na isinagawa sa Catholic Parish Church sa Barangay Poblacion at Catholic monastery sa Barangay Kawas.

Kaugnay nito, pansamantalang ipinasara ng health authorities ang nabanggit na mga simbahan matapos na magpositibo sa COVID-19 ang dalawang pari na kasalukyang naka-admit sa Sarangani Provincial Hospital.

Napag-alaman, ang nabanggit na mga pari ay mayroong history ng exposure mula sa isang pari sa General Santos City na unang nagpositibo sa COVID-19.

Samantala, ipinag-utos ng alkalde ang suspensyon ng church-related activities sa nabanggit na mga simbahan para sa isasagawang decontamination operations na pangungunahan ng BFP.

Ayon sa datos mula sa Alabel-LGU, kasalukuyang mayroong 5 aktibong kaso ng COVID-19 habang isa naman ang naitalang nasawi sa bayang ito. (BONG PAULO)

54

Related posts

Leave a Comment