10 BILLS INIHAIN NI SEN. ERWIN TULFO

AGAD naghain si Senator Erwin Tulfo ng kanyang unang sampung panukalang batas para sa 20th Congress ngayong Lunes, June 30.

Ang mga panukalang ito ay: Pagsusuri ng Rice Tariffication Law, Batas sa Salary Standardization ng mga Opisyal ng Barangay, National Land Use Act, Mga Propesyonal na Review Center, Batas sa Parol na Medikal, Health Courses Expansion Act of 2025, Simplified Aid Access Act of 2025, Anti-Conflict of Interest in Public Utilities Act, Pagsusuri sa Expanded Solo Parents Act, at Anti-Road Rage Act.

Sa kanyang unang press briefing bilang senador, ibinahagi naman niya ang pagsama sa grupo ng mayorya sa Senado.

“Kasi sa majority usually may mga utos sa taas na tulungan ang administrasyon, para walang kontra, sa majority tayo, ‘di ba? I’m with Alyansa, so expected n’yo na I will be in majority,” ani Sen. Erwin.

(DANNY BACOLOD)

65

Related posts

Leave a Comment