DALAWANG pasyente ang binawian ng buhay dahil sa COVID-19 sa Lungsod ng Malabon, ayon sa ulat ng City Health Department noong Nobyembre 27.
Ang dalawang binawian ng buhay ay mula sa Barangay ng Dampalit at Panghulo kaya’t umabot na sa 222 ang namatay sa lungsod dahil sa naturang sakit.
May nadagdag naman na 31 confirmed cases. Sa kabuuan ay nasa 5,822 ang positive cases sa lungsod at 30 dito ang active cases.
Ang mga bagong kaso ay naitala mula sa Barangays Concepcion (1), Dampalit (2), Longos (12), Maysilo (1), Muzon (2), Panghulo (5), Potrero (1), Tinajeros (3), Tonsuya (2) at Tugatog (1).
Sa kabilang banda, 23 pasyente ang nadagdag sa mga gumaling. Sila ay mula sa Barangays Concepcion (1), Ibaba (1), Longos (9), Maysilo (1), Niugan (1), Panghulo (5), Tinajeros (3), at Tonsuya (2).
Sa kabuuan ay umabot na sa 5,570 ang recovered patients sa lungsod.(ALAIN AJERO)
155 