PINAG-AARALAN ng Philippine National Police (PNP) at Department of Education (DepEd) Western Visayas ang posibleng paggamit ng transparent bags sa mga paaralan bilang karagdagang security measure kasunod ng mga naitalang insidente ng karahasan sa mga eskwelahan.
Kaugnay nito, nakipagpulong si PRO-6 Director PBGen. Randulf Tuaño sa Iloilo City Schools Division Office upang talakayin ang mga hakbang para mapalakas ang seguridad sa mga paaralan.
Nilinaw na layunin ng mga panukalang hakbang na paigtingin at hindi palitan ang mga umiiral nang safety measures, kabilang ang police visibility at emergency response.
Kabilang din sa tinalakay ang planong pagkuha ng school counselor associates, pagpapahusay ng mga pasilidad gaya ng lock systems at mga bakod, at pagpapalakas ng presensya ng pulisya sa paligid ng mga paaralan.
(TOTO NABAJA)
60 