TAKSIL NA MISIS BUKING SA GPS NI MISTER

LAGUNA – Nahaharap sa kasong adultery at concubinage ang isang ginang at umano’y kalaguyo nitong tricycle driver nang mabuking ang kanilang love affair dahil sa global positioning system (GPS) device na inilagay ng mister ng ginang sa kanilang sasakyan sa Biñan City, nitong Miyerkoles.

Ayon sa ulat na nakarating kay P/Lt. Col. Giovani Martinez, hepe ng Biñan City Police, natuklasang magkarelasyon sina alyas Richelle, 43, ng Calamba City at Emerson, 44, ng Biñan City, parehong sa lalawigan ng Laguna.

Napag-alaman, nagsumbong sa mga awtoridad ang biktimang si Sonny, 48, mister ni Richelle, alas-6:30 ng umaga kahapon nang agad umalis ng bahay ang kanyang misis dala ang kanilang sasakyan na nilagyan ng tracking GPS device upang matunton ang patutunguhan nito.

Matapos ang ilang minuto, agad na-track ng GPS na pumasok ang ginang sa LA Marimar Executive Inn sa Brgy. Tubigan sa Biñan City.

Sa puntong ito, tumawag ng mga awtoridad ang biktima at agad pinuntahan ang lugar kung saan nagulantang ang magkalaguyo na nahuli umanong nagtatalik. (CYRILL QUILO)

261

Related posts

Leave a Comment