(NI BERNARD TAGUINOD) “We’ll end the impasse as soon as possible.” Ito ang direktiba ni House Speaker Gloria Macapagal Arroyo sa 3-man team na kanyang binuo para makipagnegosasyon sa kanilang counterpart sa Senado hinggil sa 2019 national budget. Sa ambush interview Biyernes ng hapon, itinanggi ni Arroyo na siya ang utak sa pagkalikot sa national budget para paboran ang kanyang mga kaalyado sa Mababang Kapulungan. Maliban sa kanyang direktiba sa 3-man team na sina House appropriation committee chairman Rolando Andaya Jr., San Juan City Rep. Ronaldo Zamora at Albay Rep.…
Read MoreMonth: March 2019
WATER CODE PINAAAMYENDAHAN SA SENADO
(Ni NOEL ABUEL) PINAAAMYENDAHAN ni Senador Sonny Angara ang Water Code of the Philippines na nilulumot na kung kaya’t mabagal ang solusyon sa nararanasang problema sa tubig. Ayon kay Angara, napapanahon nang amyendahan ang 43-taong batas dahil na rin sa hindi ito nakatutugon sa problema sa supply ng tubig tulad ng nararanasan sa Metro Manila at karatig lalawigan. At sa panahong nararanasan ang El Nino phenomenon ay dapat lamang na gawin ang dapat ng pamahalaan para mapakinabangan nang marami. “Every year the country struggles with severe El Niño events.…
Read MorePNPA VALEDICTORIAN BINIGYAN NG BAHAY NI DU30
(NI BETH JULIAN) PINAGKALOOBAN ng bahay ni Pangulong Rodrigo Duterte ang valedictorian ng Philippine National Police Academy ngayong 2019. Si Cdt. Jervin Allen Ramos, residente ng Tondo, na top 3 sa Criminologist Licensure Examination ang naging valedictorian ng Sansiklab Class of 2019. Nagpasalamat naman sa Pangulo si Ramos. Anim sa top 10 ng Sansiklab Clasa ay pawang mga babaeng kadete. Bukod kay Pangulong Duterte, dumalo rin sa graduation ceremony ng PNPA sa Camp General Mariano Castaneda sa Silang, Cavite si Vice President Leni Robredo. Aabot sa 201 mga kadete ang…
Read MoreINIT PROBLEM SA MRT-3, GOODBYE NA
(KEVIN COLLANTES) INIHAYAG ng pamunuan ng Department of Transportation (DOTr) na malapit nang mag-season finale o matapos ang ‘init problems’ na nararanasan ng mga train commuters ng Metro Rail Transit Line 3 (MRT-3). Sa isang paabiso, ipinagmalaki ng DOTr, na pinamumunuan ni Secretary Arthur Tugade, na ito’y dahil unti-unti nang nagdadatingan ang mga bagong air-conditioning unit na binili nila upang mailagay sa mga tren ng MRT-3, na bumibiyahe sa kahabaan ng EDSA at siyang nag-uugnay sa North Avenue, Quezon City at Taft Avenue, Pasay City. Ayon sa DOTr, sa ngayon ay…
Read MoreLOCALIZED PEACE TALKS MAGPU-FULL BLAST
(NI JESSE KABEL) ‘FULL BLAST’. ITO ang inihayag ni Presidential Peace Adviser Carlito Galvez Jr. kasunod ng termination ng appointments ng mga miyembro ng negotiating panel na magbibigay-daan sa pagbuo ng localized peace panel. Kasabay nito ang paglilinaw na ang ginawang pagbuwag ng Malacanang sa government peace panel ay hindi nangangahulugang hindi na interesado si Pangulong Rodrigo Duterte sa pagsusulong ng usapang pangkapayapaan sa hanay ng Communist Party of the Philippines at sa armadong galamay nito na New People’s Army. Higit umanong pabor ito para sa kapakanan ng mga komunistang…
Read MoreDU30: GUSTO KO MAKITANG SIMULAN SA 2022 ANG MM SUBWAY
(NI CHRISTIAN DALE) BAGO matapos ang kanyang termino sa 2022, umaasa si Pangulong Rodrigo Roa Duterte na makita niya ang pagsisimula ng excavation para sa Japan-funded Metro Manila subway. “Pagdating ‘nung machine ng Japan at least before I leave the presidency, kung buhay pa ako, I said sana pagbigyan ako ng Diyos makita ko naman na ano. I’m not trying to say na remember me. As a matter of fact, ‘pag wala na ako, forget me. Ako, ‘yung personal satisfaction kung may ginawa ako. Ginawa ko lahat,” ayon kay Duterte.…
Read MoreMWSS SA MANILA WATER: ‘REBATE’ SA 6.8-M CONSUMER IBIGAY!
(NI KIKO CUETO) PINAG-AARALAN na ngayon ng Manila Water Inc., ang panukala ng Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS) na nagsasabing huwag na munang pagbayarin ang mga customer nila na apektado ng water shortage sa Metro Manila at Rizal provinces. Sinabi ni Ferdinand Dela Cruz, president at CEO ng Manila Water, na mag-uusap sila ng MWSS kaugnay dito sa Lunes. “I have given instructions to my team to look into this matter seriously. Kaya ngayon po may masusing pag-aaral. Ang resulta po ng pag-aaral na ‘yan ay aming idi-discuss kay…
Read MoreULTIMATUM NG PANGULO SA MWSS: 15 ARAW; SIBAK O STAY
SA ABRIL 15, igagawad ni Pangulong Rodrigo Duterte ang desisyon kung sibak o mananatili sa kanilang posisyon ang mga opisyal ng ng Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS) kasunod ng naranasang krisis sa suplay ng tubig noong nakaraang mga linggo. Pinagsusumite ng Pangulo ang lahat ng opisyal ng hanggang Abril 10 at matapos ang limang araw ay ilalabas ang desisyon sa mga ito. Dito ay malalaman ng publiko kung kapabayaan ang naganap na agarang pagkawala ng supply ng tubig o ang isinisising pagbaba ng lebel ng tubig sa La Mesa…
Read More2.5-M SAKO NG PALAY TARGET BILHIN NG NFA
(Ni FRANCIS SORIANO) TARGET ngayon ng Central Luzon National Food Authority (NFA) na bumili ng nasa 2.5 milyong sako ng palay sa buong rehiyon sa halagang P20.70 kada kilong tuyong palay sa mga magsasaka. Ayon kay Piolito Santos, NFA Regional Director, target ng tanggapan para sa taong 2019 ay katumbas lamang ng 3.5 porsyentong inaaning palay sa buong rehiyon hanggat hindi pa napupuno ang target na ilalaan sa panahon ng kalamidad o biglaang pangangailangan ng bansa. Sa kasalukuyan ay nasa 120,000 bags na ng palay ang nabibili ng tanggapan at inaasahang dadagsa pa…
Read More