PALASYO HANDA SA BANTA NI MISUARI

duterte nur12

(NI CHRISTIAN DALE) HANDA ang Malacanang na tapatan ang anumang banta  ng rebelyon matapos magbabala si Moro National Liberation Front (MNLF) founding chair Nur Misuari na bukas siya sa giyera kapag nabigo ang pamahalan na maitulak ang federal government  sa bansa. Si Pangulong Rodrigo Roa Duterte mismo ang nagsapubliko ng plano ni Misuari kasabay ng pahayag ng pagbuo ng bagong  negotiating panels  na tatalakay sa pederalismo na gusto ng MNLF leader para sa mga  Moro people. “Whatever the product of that discussion, they will have a one-on-one meeting. And then…

Read More

PEACE TALKS TINALIKURAN NA NI DUTERTE

duterte22

ISINARA na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pinto sa kanyang panig para sa posibleng pagbabalik ng peace talks sa mga rebeldeng komunista. “Opisyal ko nang tini-terminate ang pag-uusap sa pagitan ng gobyerno at Communist Party of the Philippines,” sabi ng Pangulo sa 122nd anniversary ng Philippine Army. Hindi ko na bubuksan ang anumang paghimok (sa peace talks) sa bansa nating punumpuno ng demokrasya,” dagdag pa nito. Sinukuan na ng Pangulo ang pagtatalaga ng oras sa peace negotiators matapos gumuho ang peace talks. “Siguro ay ang susunod na Pangulo na lamang…

Read More

WALANG SINGIL SA TUBIG GIIT SA MANILA WATER

water12

(NI BERNARD TAGUINOD) SINIMULAN na ngayong araw na ito  ang pangangalap ng lagda ng mga apektadong customer ng Manila Water sa naganap na water shortage upang huwag silang singilin sa susunod  nilang water bill. Ito ang napag-alaman sa grupo ni Akbayan party-list Rep. Tom Villarin upang i-pressure ang Manila Water na itigil ang paniningil sa susunod na water bill matapos pumalpak ang kanilang serbisyo. Nabatid na sisimulan ang pangangalap ng mga lagda sa mga residente ng Mandaluyong City na labis na naapektuhan sa water shortage simula noong Marso 7, 2018.…

Read More

6 BABAENG KADETE NG PNPA PASOK SA TOP 10

pnpa123

(NI NICK ECHEVARRIA) ANIM na babaeng kadete ang kabilang sa top 10 honors sa kabuang 201 magsisipagtapos, ngayon,  Biyernes sa Philippine National Police Academy (PNPA)  sa Silang, Cavite. Ang PNPA Sansiklab  Sandigan ng Mamamayan na may Sigasig na Itaguyod ang Kapayapaan at Ipaglaban ang Bayan Class of 2019 ay binubuo ng 157 kadeteng lalaki at 47  babae. Nasa 138 sa mga kadeteng magtatapos na kinabibilangan ng  114 na lalaki habang 24 na babae ang mapapabilang sa hanay ng Philippine National Police (PNP) samantalang 41 (25 male and 16 female) ang mas…

Read More

KIDNAPPING SA CASINO

SIDEBAR

Sa depinisyon ng mga alagad ng batas, ang krimen ng kidnapping ay palaging may ransom na hinihingi sa pamilya o kamag-anakan ng kanilang biktima na kadalasan ay mga mayayamang negosyanteng Filipino-Chinese na bukod sa madaling takutin ay mabilis ding magbayad ng ransom money. Kaya nga nakasama sa heinous crime ang kidnap-for-ransom at kabilang ito sa mga krimen na may kaparusahang kamatayan bago ito binawi ng Kongreso sa utos ng pangulo noon na si Gng. Gloria Macapagal-Arroyo. Sa kasalukuyan ay may malaking uri ng kidnapping na nangyayari sa mga casino sa…

Read More

TAGUMPAY NG BANSA

FOR THE FLAG

Bayanihan Federalism ang maghahatid ng tunay na pagbabago. Mababaklas na ang unitary system of government na nagpapahirap sa mamamayan at playground ng oligarkiya. Pag-asenso ng bawat Filipino ang hatid nito dahil malaking porsyento ng buwis ay maiiwan na sa lokal na pamahalaan. Ang political dynasty ay mabubuwag na rin sa ilalim nito. Dahil sa matagal na pagkakasailalim ng bansang Pilipinas sa kolonyalismo, animo’y nakalimutan na ng mga Filipino kung paano ba ang mabuhay ng tunay na malaya. ‘Yan ang babaguhin ng pederalismo, ibabalik tayo sa estado ng marangya at kasiyahan…

Read More

‘RELASYONG ‘PINAS-CHINA ‘DI MAGKAKALAMAT DAHIL SA KASO SA ICC’

china rp12

KUMPIYANSA si Pangulong Rodrigo Duterte na hindi maapektuhan ang relasyon ng bansa at China sa harap ng kasong isinampa sa International Criminal Court (ICC) nina dating Foreign secretary Albert del Rosario at dating Ombudsman Conchita Carpio Morales kay Chinese President Xi Jinping dahil sa umano’y pang-aabuso sa South China Sea at sa teritoryo ng Pilipinas gayundin sa mga krimen na maaaring aksiyunan ng ICC. Sinabi ng Pangulo na may karapatan silang magsampa ng kaso laban sa China at tiwala pa rin si Duterte na hindi magkakaroon ng lamat ang relasyon…

Read More

REFUND PARA SA MGA NAWALAN NG TUBIG!

KAKAMPI MO ANG BAYAN TEDDY

Iginigiit ng Bayan Muna na kailangan magkaroon ng kompensasyon ang lahat ng mga konsumer na nawalan ng tubig nitong nakaraang mga linggo. Refund ang a­ming panawagan! Sa pagdinig sa Kongreso noong Lunes, inamin ni Ferdinand de la Cruz, Presidente ng Manila Water, na magbabayad pa rin ng minimum fee ang mga konsumer kahit na may water interruption at walang 24/7 water service. Malinaw na talo ang taumbayan sa ga­nito. Kahit walang tumutulong tubig sa gripo ay magbabayad pa rin ng minimum amount ang mga konsumer. Katunayan, labag sa concession agreement…

Read More

PRESYO NG SIBUYAS BUMAGSAK; MANIPULASYON SINISILIP NG DA

sibuyas123

(NI JEDI PIA REYES/PHOTO BY ED CASTRO) BAGSAK-PRESYO ngayon ang sibuyas sa mga palengke dahil sa sobra-sobrang suplay kasabay ng panahon ng anihan at pagpasok ng mga iniangkat na suplay. Puwersado umano ngayon ang mga magsasaka na ibenta na lamang sa pinaka-barat nang halaga ang mga sibuyas. Sa Nueva Ecija, nasa P15 hanggang P16 na lang ang kada kilo ng sibuyas. Batay sa rekord ng provincial agriculturist, nasa 1,055 ektarya sa 11 siyudad at munisipalidad ng Nueva Ecija ang may tanim na sibuyas. “Wala na po kaming mapagbebentahan, dahil puno…

Read More